Ang Enerhiya

in tula •  6 years ago 

sketch-1531838585063.png

Ang Enerhiya

Isang enerhiyang nakapaloob sa ating sariling kalawakan
Ito'y di matatawaran ng kahit nino man
Pusong tumitibok dahil sa tuwa sa pagsisikap
Malapit ng makamit ang ating inaasam na pangarap.


Isang malawakang kaisipan
Sa isang malawak na kalawakan
Kung saan ang enerhiya'y makikita
Na sa ating sarili ay nanghihina na.

Pinanghinaan ng loob, sa isang mababaw na dahilan
Na bakit kayay hindi natin kayang panghawakan
Bakit di nating subukang labanan
Gamit ang enerhiya sa ating sariling pangangatawan.


Sa paglakas ng nakapaloob na enerhiya
Gamit ang ating sariling sandata
Pagsisikap, pagmamahal at tiyaga
Diyan lahat nagmumula ang ating pag asa.


Isang napakagandang kinabukasan
Na ating makakamtan
Kapangyarihang di inaasahan
Iyo ng mararamdaman
Dahil sa enerhiyang iyan na di mo pinabayaan



Isang tula na aking ibabahagi sa isang napakatahimik na gabi, bilang ganti sa dalawang buwan na nawalan ng gana at pag asa dahil sa panglabas na kadahilanan.

At ngayo'y pakiramdam sa sarili ay ang isang mabuti at malakas na enerhiya. Na sana ay magawa ng bawat isa, at maibahagi din ito sa iba. Walang susuko sa anumang baku bako sa buhay. Panalangin ang sagot at susi sa makapangyarihang enerhiyang nakapaloob sa ating pangangatawan.

MyLogo20180717232708_1.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!