"Ang Panahon na Kailangan Magkape" (Maikling Tula para sa nabuong samahan). lol

in tula •  7 years ago  (edited)

cup.jpg

image source

Dapat mong malaman ang lagay ng panahon,
para malaman ang kape na ibinaon ay dapat na bang e-ahon.
Pagkatapos,
Ilagay sa tamang lagayan,
upang ito ay hindi madali manakaw ng kung kani-kanino lang.

Ang Panahon ang may akda,
kung kailangan mo ba ng kape para mawala ang antok
at mapalitan ng sigla.
Mapangahas na kaluluwa
Mapang-akit na kataga
Matalinghagang pananalita
Talas ng mga Letra galing sa bibig sayo ko pinaparinig,
Pag-ibig ba ito? o sadyang kape lang talaga ang hilig.

Kape ka? gusto mo ako mismo magtimpla?
mamaya na ba? o ngayon na? o baka naman
gusto mo na ika'y ipagtimpla mula gabi hanggang umaga.

Kape ka? huwag kang magmadali,
dahan-dahan mo lang higupin baka ika'y mapaso bigla.
Ika nga ng aking kaibigan
"balibaliktarin mo man ang mundo sa kape parin patungo.
3 in 1 ata yan o sa two digit na lang natin simulan."

Sa hirap ng buhay, sa layo man nang nilakbay,
kahit walang kain, pakape-kape lang ayos na ang buhay...hahaha
Nakakatawa, pero alam kong, alam mo ang isang bagay,
yung isang bagay na gusto ko at gusto mo.
Ngiti ka, tara kape tayo! habang may panahon pa.

Puso ko talagang walang mapagsidlan ng saya
nung una kong nalaman na ikay nagkakape din pala,
kaya binibini, Oo ikaw binibini
ang magandang dilag, na nagpapatibok ng puso ko,
KAPE KA BA? Sa pait kasi ng buhay
pagnakikita kita, mata ko ay dilat na dilat at puno nang sigla.
At ikaw yun miss! ang laging nagpapasaya at nagbibigay kulay
sa maitim ko na buhay .



THE-KAPE-BOYZ.gif


theMEwithSteemitLogoFOOTER.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
  ·  7 years ago (edited)

Salamat sa panginoon at sau bro@eldean salamat sa pagbahagi mo saamin ng maganda mong obra maistra ..😊😊😊😊

walang ano man kapatid @yhel21 at salamat din sa inyo...ikinagagalak ko makapaghandog nang kaunting kasiyahan sa mata nang aking mga kababayan.

Kape boyz talaga. Hahaha!

  ·  7 years ago (edited)

hahaha.......sali ka boss @iyanpol12...hehe

Ako'y napatakbo sa ibaba, makahagilap lang nag kape na may aroma!
Napakaganda ng iyong tula @eldean !

maraming salamat po mem @bloghound.

Wala pong anuman at ikinagagalak ko po kayong makilala pa. Magandang tanghali!

  ·  7 years ago (edited)

ganun din po ako mem @bloghound, ikinagagalak ko rin po kayong makilala at maging bahagi nang inyong samahan, samahan ng isang malaking pamilya.

Kapeng kape ka na ba? Hello Sir @eldean.

Kapeng kape kape kape na talaga mem @fotografia101 di talaga mapigilan...hehe

Kapag ako nanalo kapitan libreng kape para sa lahat :D

  ·  7 years ago (edited)

pagkami nanalo din bilang kagawad, suportahan ka namin all the way Kapitan @twotripleow...hehe

Naman. 3 in 1 ang suportahan niyo kasi dapat malaman nila ang totoong sarap ng 3 in 1

  ·  7 years ago (edited)

two digit number X 3 by only 1, alam na this...hahahaha

Pag-ibig ba ito? o sadyang kape lang talaga ang hilig.

kapeng mainit nalang hehehe ang lupit mo @eldean, salamat sa pagbabahagi.

  ·  7 years ago (edited)

Salamat din @fherdz sa pagbasa sa maikli kong tula.