PAALAM (P-pangako A-ako'y A-aalis L-lalayo A-at M-magpaparaya)

in tula •  6 years ago  (edited)

images (27).jpg

pinagmulan ng imahe


Isang salita na hirap masabi sa taong napakaimportante.

Salitang ayaw mo sanang sabihin pero kailangang gawin.

Salita na naghihiwatig ng katapusan sa mga puso na hindi na magkakaintindihan.

Minahal kita....Oo, Minahal kita pero bakit sa isang idlap bigla na lang naglaho lahat ng sarap at napalitan ng sakit at hirap.

Paalam! kailangang matigil na itong kahibangan dahil ako din naman ang laging talunan at nasasaktan pag hindi kita binitawan.

Kailangan ng lumayo-layo para ang salitang "Paalam" na kung saan nakadikit ang iyong pangalan ay hindi ko na "Maala Pa".

Paalam, sa mga panahong ikaw ang nagpatigil sa mundo ko pero ngayon ikaw ang dahilan sa pagkawasak nito.

Paalam, sa mga salitang "Mahal Kita, Hindi kita iiwan" dahil ikaw din ang dahilan sa pagkabuo ng salitang "Iiwan na kita Hindi Na Kita Mahal".

Paalam, sa matamis at masasayang ala-ala nang dalawang puso na pilit nating pinag-isa, pero ngayon bakit puso ko na lang talaga ang nag-iisa.

Paalam sa pag-iibigan natin dati na walang mali, na puro lang tama ang nakikita ng ating mga mata, pero ngayon tama na! puro kamalian na ang nakikita.

Paalam, sa pag-iibigan na parang wala ng bukas, parang ang panahon ay hinding hindi na lilipas, pero lumipas ang panahon na binuksan mo ang iyong puso para sa iba at sinabi mo pa na sya na ang kinabukasan mo at di na ako.

Hindi lahat ng pag-iibigan masaya at matamis ang katapusan.
May mapapait din at pilit na kinakalimutan.

Pilit na iiwasan para di na muling matusok sa pako ng pangako na ikaw at ako kakayanin ang pagsubok ng mundo pero kalokohan lang pala ang lahat ng ito.

PAALAM.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

As a follower of @followforupvotes this post has been randomly selected and upvoted! Enjoy your upvote and have a great day!

Ang sakit sakit naman nito sir @eldean. 😢

Pero napakatapang at selfless. Ang lalim ng hinugutan ng damdamin nito. Simple lang ang bagsakan pero ang bigat ng dating sa puso ng nagbabasa. Hindi ako mahilig masyado sa tula ng lagay na yan pero naapektuhan pa rin ako. Ibang klase. Kudos sa iyo sir!

  ·  6 years ago (edited)

Salamat mem @romeskie at binigyan mo ng panahon mabasa ang aking maikling tula..hehe

Title pa lang, ang sakit na! Ramdam ko ang bigat ng bawat salita. Mahusay po, sir! Nawasak naman muli ang aking 💔. 😅

Salamat mem @chinitacharmer. Gagawa ako ng tula na maghihilom sa nawasak mong puso...hehehe

Looking forward po 😂😂😂


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Marami pong salamat.

ang sarap nito i-spoken word
bihira sa mga lalaki na sumulat ng ganito
ang galing po

Maraming salamat po boss @beyonddisability.

Salamat sa pagcurate nitong akda nato @tagalogtrail :)
Madadagdagan na naman ang mga makabuluhang posts sa home feed ko. And Sir @eldean sobrang galing po. Ramdam na ramdam po ang emosyon. Keep it up po.

maraming salamat po mem @itisokaye.