Tula # 2: Para sa BARKADANG TUNAY

in tula •  7 years ago 


"Barkadang Tunay"


Ang aking mga kaibigan,
Ay lagi kong maaasahan sa kampihan,
Kahit saan man ako sa mundo ng awayan,
Sa oras ng kagipitan, ako lagi nilang tutulungan.


Silang yung barkadang hindi ka pababayaan,
Sa lungkot at saya lagi mong kasama,
Kung may problema, wag mag-alala,
Ang lungkot ay gagawin nilang masaya.


May tampuhan na di maiiwasan,
Subalit inaayos di pinabayaan.
Sa pagsusulit hindi ka iiwan,
Sagot ng isa sagot na nang lahat yan.


Malayo man tayo sa isa't isa ngayon,
Ang pagkakaibigan natin di mawawala,
Para sa inyu itong tula na gawa,
Hanggang sa muling pagkikita aking mga kababata.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Naman....Friendship goals

HAHAHA, Oo naman.

Magandang tula kaibigan... Nasaan na kaya ang barkada?

Pumunta sa ibang bansa para makapag-ipon, ang iba nag aaral para sa hinaharap. :)