Tula # 7: Ang Malungkot at Malamig na Gabi

in tula •  7 years ago 


image source


Ang Malungkot at Malamig na Gabi


Nag-iisa sa kwarto at malungkot,
Kasama ko ang unan at kumot,
Nakatulala, umiiyak, natakot,
Sapagkat madilim at nakakakilabot.


May nakita akong liwanag sa labas,
Dali-daling pumunta, tumingin sa itaas,
Sa kalangitan ay namangha’t natulala,
Ito pala ang liwanag ng buwan na parang himala.


Habang lumalalim ang gabing malamig,
Ako naman’y hindi nagsasawa sa pagtitig,
Ang malungkot kung gabi ay napalitan,
Napalitan ng saya sa liwanag ng kalangitan.


Ngunit sadyang ang lahat ay may katapusan,
Hindi ko namalayan ang liwanag ay unti-unting nagpapaalam,
Ang masayang mukha, dahan-dahang nawala,
Balik nanaman tayo sa dati, naghihintay sa susunod na kabanata.



image source

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!