Tula #1steemCreated with Sketch.

in tula •  4 years ago  (edited)

1.1.jpg

"Dalawang Salita"

Dalawang salitang kinasasabikan,
ang nailimbag sa puso't panimdim.
Larawang tunghay kung sisilayin,
ninanasa-nasa'y aba man din.

Nguni't tila kay hirap ma akin,
mga katagang nais maangkin .
Talagang labis, pinagkakait,
diring lubha at kapait-pait.

Ako ba ay kinasusuklaman?
Pagmamakawa'y di mapagbigyan.
Kapanglawan ngayo'y nababatid,
lumuluha ring naghihinagpis.

Ngunit hindi kuna ipipilit
marinig sa bibig na naumid
mga salitang di mo kayang masambit
na tunay ngang di mo iniibig.

#filipinopoetry #poetry #steemph #Philippines

Image source: https://www.google.com/search?q=malungkot&tbm=isch&chips=q:malungkot,g_1:drawing:rGMyZg0M22w%3D&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwitsrOj-ebuAhUKHKYKHWf-BQ8Q4lYoAXoECAEQGg&biw=1499&bih=694#imgrc=6NkJm-yEEp8eWM&imgdii=P9HsegTiM7fl_M

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!