Haligi ng tahanan

in tula •  7 years ago 

Haligi ng tahanan kung tawagin si tatay,
Ang gumagagawa ng pundasyon sa ating bahay,
Siya rin ang naghahanap ng pangangailangan,
Sa pang araw-araw na panggastos at mga pagkain.

Siya din ang nag di-disiplina, sa kanyang mga supling,
Upang ang mga anak, sa barkada ay hindi mahumaling,
Gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya,
Makita lang nasa maayos ang buong pamilya.

Hindi madali ang maging isang ama,
Lahat susuungin pati na ang mga problema,
Ang katatagan ay makikita lagi sa kanya,
Kailan man ay hindi susuko at magpapabaya.

Sa haligi ng tahanan ay laging nakasalalay,
Ang kinabukasan na tangi niyang maiaalay,
Nasa isip palagi ang magandang pamumuhay,
Nang kanyang mga supling na labis niyang mahal.

Sa panahong may sigalot sa kanyang tahanan,
Handa siyang magparaya at magpakundangan,
Hindi niya kayang tiisin sinuman sa mga anak niya,
Sapagkat ang buhay niya ay nakalaan para sa kanila.

Ang haligi ng tahanan ay dapat pahalagahan,
Dapat din sanang, siya ay mahalin at igalang,
Huwag kakalimutan utang sa kanya ang buhay,
Tandaan palagi ang utos sa atin, ng ating Poong maykapal.


source

Tula para sa mga ama!
Sana magustuhan nyo!
Salamat sa lahat!
FOLLOW @iyam
UPVOTE!
COMMENT!
RESTEEM!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Upvoted te

Salamat dot @mrblu

thank you for posting on steemitdavao tags;

Upvoted and resteem your beloved post

for my support.
davao.png

Thank you @steemitdavao

good post please upvote my blog @momin109

Thank you! @momin
yes, I'll visit your blog...

upvoted po! Ang Ganda!

Salamat nad, @theloneword