Naglaho mo ng pag-ibig

in tula •  7 years ago 

Ako'y nalulumbay, sa tuwina ay aking maiisip,
Ang mundo natin ngayon ay biglang sumikip.

Ano ang nagawa sayo ng puso kong umiibig?
Bakit biglang nawala na, ang iyong pag-ibig.

Alaala ko pa noong una kang bumisita,
Kaagad mo ako, ay iyong kinumusta.

Hindi ko akalain, at bigla kang nagtapat,
Ang nararamdaman mo sa akin ay isiniwalat.

Kay ganda ng ating simula, at lagi ng magkasama,
Masaya palagi at magkapiling sa tuwina.

Umaawit ang mga puso sa sobrang ligaya,
Ikaw ang dahilan, kaya paligid ko ay kaayaaya.

Ngunit ano ang nangyari sa ating sinimulan?
Ako ay nagulantang, at puso ko ay nahirapan.

Umiiwas ka na sa akin, at wala ka ng pakialam,
Seguro nga ay gusto mo na, sa akin ay magpaalam.

Tuluyan na nga bang naglaho ang pagsuyo mo sa akin?
Kaya hindi mo na ako ngayon naririnig at pinapansin.

Mga araw, buwan, at mga taon na ang lumipas,
Ang pagtingin ko sayo ay hindi pa rin kumukupas.

Naglaho mong pag-ibig, dasal ko sana ay bumalik,
At ng muli kong matikman ang tamis ng iyong mga halik.


source

Please Follow @ iyam
Salamat sa pagbasa
Upvote!
Comment!
Resteem!

Love, iyam 💕

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Thank you very much for your support. @surpassinggoogle

Thank you sa lahat ng nag vote, God bless us all!