Panahon na naman ng pagsasama-sama
Bawat isa sa pamilya, saya ang nadarama
Saang sulok man ng mundo siya naroroon
Asahan mong darating ito sa araw ng "reunion"
Sa loob ng isang taon, may araw na ilalaan
Upang magkitang muli, lahat ng buong angkan
Mahalaga na magkakasama ang iisang pamilya
Pagkat ito ang paraan upang lahat ay lumigaya
Tradisyon ito, dapat na manatili at pahalagahan
Dito lang ang bawat isa, ay may pagkakakilanlan
Sa mga bagong sibol, at mga kabataang kaanak
Magkakasama sama ang lahat ng mga kamag anak
Lahat sila ay magkikilala at makakayakap yakap
Masaya na ipagdiriwang ang araw na pinapangarap
"Reunion" ito ay kayamanan ng bawat pamilya
Maraming palaro, nagtatawanan ang lahat ay masaya
Dahil ito sa mga nakatatanda na laging nagpapa ala-ala
Salamat sa ating Diyos, sa kanyang mga pagpapala.
Thank you for dropping by!
Please...
Follow!
Upvoted!
Comment!
Resteem!
Love, iyam 💖