Tunay Na Pag-ibig

in tula •  6 years ago 

20181002_223323.png
Galing sa pixabay

Lahat ng babae...
Hanap ay tunay na pag-ibig
Ngunit bakit kaikangan pang dumaan
Sa mga pagsubok na pilit kinakaya?

Ang hirap hanapin ng tunay na pag-ibig
Kailangan natin magtiis
Kahit nasasaktan na tayo
Dahil akala natin siya na

Pinipilit ipaglaban...
Ang akala mong tunay na pag-ibig
Lahat na sakit kinakaya natin
Huwag lang masira ang pagsasama

Hanggang isang araw...
Nagising ka na lang sa katotohanan
Ikaw na lang pala ang lumalaban
Sa akala mong tunay na pag-ibig

Ang tula pong ito ay sariling gawa ko
Sana po ay magustuhan ninyo
Ako po ay nasasabik na mabasa ang komento nyo. Ang larawan naman ay galing sa pixabay.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!