Panalangin ng Pasasalamat.

in tula •  7 years ago 

IMG_20180221_180923.jpg

Salamat O panginoon ko,
Sa mga panalangin mo at biyaya
Mga buhay namin ay iyong pinagpala.

O kay sarap pag masdan sa iyong mga obra,
mahigiwagang mga kamay na syang puminta.
Paig ibig mo sa amin wagas at taimtim
Dakila mong hangarin ang aking panalangin
Sapagkat iyon ay ipakakaloob mo sa amin.

Salamat sa kadalisayan at kasaganaan.
kami po poon ay nagagalak.
Araw at gabi kami ay nanalangin
Kahit kami po ay hindi karapat dapat
Iyong pagpapala at pagpapahalaga
Pag ibig mong busilak
kailan ma'y di magmamaliw.

Kay sarap ng sariwang hangin
sa araw araw namin nalalanghap,
Salamat sa pagsikat ni dakilang Araw
Sa araw araw aming maramdaman
makikitang mga lutiang mga halaman
O kay sarap pagmasdan.

Salamat Panginoon ko sa nangangasul na karagatan, Sagana sa Isda at halamang dagat
kay sarap pakinggan mga alon humampas
tila mga bata naglalaro ng taga tagaan.

Salamat panginoon ko sa magagandang ulap
ibat ibang anyo aming makikita
Salamat sa kagandahan ng kalikasan
Sapagkat ito po ay aking nakagisnan.

Salamat sa lahat ng pinagka loob mong biyaya.
Amen..

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Upvoted

Congratulations @mitch0403! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

upvoted mitch :)

upvoted po.