Source link https://www.huffingtonpost.in/sonia-chopra/with-big-brother-watching_b_7301654.html
Bakit ba tayo tumagal
Bakit ba tayo naging magkakilala
Bakit ba tayo dumating sa hiwalayan
Lagi nalang ba may (Pangamba)
Pangambang kailangang may masaktan
Pangambang kailangang may umiyak
Pangambang kailangang magpanggap
Di ba pwedeng palitan ng (Hindi)
Hindi tayo tatagal kung alam natin di tayo masaya
Hindi tayo sasaya sa araw araw na tayong dalawa kung di natin alam ang salitang "Halaga"
Hindi aabot sa hiwalayan hanggang kamatayan
Hindi na kailangang masaktan sa maayos na usapan
Hindi na kailangang may umiyak sa simpleng dahilan
Hindi na kailangang iwan para tuldukan ang pangakong inyong sinumpaan
Halaga sa anim na letra mapapaisip ka gaano kaba kahalaga sa kanya sa tuwing sinasabi niyang ayoko na.