Spoken Words "Kaibigan"

in tula •  6 years ago 

May ikaw at ako ngunit mahirap magkaroon ng tayo
May ikaw at ako at alam ko naman na malabong maging tayo
Sa bawat araw na iniisip ko sa piling niya lang ikaw tunay na magiging masaya
Bakit parang may kutsilyo na nakabaon sa puso ko

Masaya naman tayo kapag magkasama ngunit hindi singsaya kapag ika'y nasa kanya
Alam ko laman ng puso mo'y walang iba kundi siya
Kaya nga sa pagiging kaibigan sarili ko'y pinagkakasya na
Kahit papano malapit pa din ako sayo

Sa larong ito alam ko dihadong dihado ako
Pano ba naman lalapit ka lang sakin kapag may problema kayo
Ako naman tong si gago panay pa ang payo
Sinasabing may pag-asa pa,magkakabalikan pa kayo
Pero sa totoo iniisip ko sana wag na,baka sakaling magkaroon ng tayo

Iniisip mo kaya ako? Namimis mo din kaya ako?
Mga tanong sa isip ko na kahit na kailan alam kong walang kasagutan
Dahil sa puso ko alam ko na walang ibang laman yang utak mo kundi siya na nasa puso mo
Hindi man maaring maging tayo,lage pa rin akong nandito para sayo
Hindi dahil sa umaasa ako,kundi baka sakaling kaibigan ay kailanganin mo

Sa oras na nasasaktan ka,andito lang naman ang mga braso ko
Handang maging sandalan at iyakan mo
Mga tenga na makikinig sa mga reklamo at mga hinaing mo
Katulong mo ako sa planong pagbabalikan nyo

Kaibigan lang naman ako kaya wag kang mangamba
Sa pagtatago ng nararamdaman expert naman ako jan
Kung pano kita minahal ay hinding hindi mo malalaman
Sakaling umiyak ka muli andito lang ako kaibigan

Minsan iniisip ko bakit sayo pa na kaibigan ko,bakit sayo pa tumibok tong puso ko
Pano kaya mahalin ng tulad mo?
Eh kaibigan lang naman ako para sayo


Source link https://lenanoid.wordpress.com/2013/08/28/please-take-me/sad-girl-alone-cute-lovely-adorable/

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!