Tama Na

in tula •  7 years ago  (edited)

Mahal tama na itigil na natin tong dalawa dahil alam naman nating dalawa na dina kaya

Mahal tama na itigil na natin tong dalawang kong parehas nama'y hirap na hirap na

Mahal tama na dahil alam natin sa isat isa na kahit anong laban na pagod na masakit na

Mahal awat na haganggang dito na lang ang storya nating dalawa hanggang dito na lang ang mga pahena ng ating storya, mahal tama na kong sarili nati'y pagod na kung puso nati'y wasak na

Mahal tama na, kong puso nati'y pagod na pagod na dahil kahit anong pilit pa,alam natin hindi na.
Mahal tama na, kasi yang puso mong buo ngayon, hati na.
Mahal tama na, hindi dahil hindi na kita mahal,mahal tama na dahil puso moy naging dalawa na.

Mahal alam naman nati'y relasyon natin walang kulang ngunit sakto lamang sabay naman nating pinag laban ang isat isa sabay naman nating pinipilit ang isat isa at sabay rin tayong nasasaktan pero mahal ngayon tama na itigil na natin to
alang alang sa ating mga sariling hirap na hirap na, at sa mga pusong pagod ng masaktan pa

Mahal patawad dahil sa storya nating dalawa akoy suko na ngunit hindi dahil hindi na kita mahal kundi dahil mahal na mahal kita ayaw na kitang mahirapan pa.

Mahal salamat sapagkat ako'y naging masaya ako'y sobrang masaya na ako ay nag ka roon ng ikaw, na ang ikaw ay nag ka roon ng ako at dahil sayo ang storyang ito ay nabuo.
Mahal salamat dahil kahit alam kong matagal na dapat itigil to ngunit lumaban ka, sinabayan mo akong lumaban, ngunit ngayoy isusuko ko na ititigil ko na ang laban alang alang sayo aking mahal, dahil puso moy ayoko ng saktan ayoko ng pahirapan pa.

Mahal sa panibagong henerasyon sa panibagong daan na ating lalakbayan hiling ko sanay sarili moy alagaan rin puso moy ingatan rin at hindi man ako ang naging huli sa puso mo alam kong storya nating dalawa ay hinding hindi mabubura sa puso mo dahil mag iiwan ako sayo ng masaya at magandang ala ala salamat ngunit hanggang dito na lang.

Mahal tama na mahal na mahal kita ngunit patawad.


Source link https://www.dreamstime.com/stock-photo-beautiful-young-woman-sitting-alone-close-to-window-rain-drops-sexy-sad-girl-concept-loneliness-black-near-long-slim-image66485280

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ang pagmamahal ay hindi nasusukat sa pag-iibigan ito'y nakikita rin sa paraan ng pagpapalaya ng bawat isa.

Napakasakit ng kinahinatnan ng iyong tula ngunit kung ito'y nararapat sa isang relasyon ay dapat bigyan nila ang isa't-isa ng panahon.

Ang pag-ibig sa mundong ibabaw ay hindi gawa ng tao kundi ito'y tindhana ng Poong Maykapal. Nawa'y sa paglayo ng kanilang landas sa isa't-isa ay mahanap nila ang pagmamahal ng Panginoon, ng kanilang pamilya, at kaibigan upang sa gayun ay mahanap din nila ang pagmamahal sa kanilang sarili.

Maraming salamat sa pagbabahagi ng iyong tula @sheenabelgas. Pagpalain kah!

Ipagpatuloy ang iyong pagiging inspirasyon!

Salamat sa suporta kapwa ko makata

Walang anuman kabayan!!!

magulo ang pag-ibig,
sabi nila kung mahal mo, papakawalan mo
at sabi rin, kung mahal mo kahit ano mangyari ipaglalaban mo.
Kaya minsan ang pag-ibig magulo.

Ang sakit ng akdang ito. ramdam ang emosyon. ang galing po.

Maraming salamat po at iyong naibigan ang simpleng tula na to.

Ano ba talaga kasi palalayain o pananatilihin hay buhay. Ang buhay talaga ay sadyang mahiwaga lalo na ang pag-ibig sabi nga sa Bagani ang Pag-ibig daw ang pinaka nakakatakot na halimaw sa sansinukob. ( May sense pa ba ako parang wala na ata)


Basta nagustuhan ko po ang inyong likha more feels.

Kapag tinamaan ka nga naman ng pag ibig mahihirapan ka na din makawala eh hehe salamat at nagustuhan mo kaibigan!

hay! Pag-ibig ibig nga naman. hehehe.. isang puso na nga nakaka pagod na dalawa pa kaya/ hehehe

Lubhang mahiwaga ang pag-ibig minsan di naarok ng ating isipan and tunay nitong kahulugan hehe