ATE!!!! PALAYAIN ANG SARILI
Ate! Bakit ka nalulungkot? Si "EX" na naman ba ang dahilan?
Di ka pa ba nadadala sa sakit ng nakaraan?
Bakit di mo pa rin siya nakakalimutan?
Dahil mayroon ka pang pag-ibig na ilalaan?
Ate!!! Isipin mo ang mga panahong iniwan ka!
Sa gitna ng daan, umiiyak ng mag-isa.
Wala naman siyang sapat na dahilan;
Para saktan ka at talikuran!
Ganoon na lamang ba?
Matapos kang suyuin, bumuo ng masasayang ala-ala ay basta ka na lang iiwan?
Anong klaseng lalaki ba siya? Walang puso at walang pakiramdam!
Kalimutan mo na siya! Di siya nararapat upang makasama sa habang buhay!
Ate!!! mayroong mas nababagay para sayo!
Huwag mong hayaang malunod ka sa nakaraan mo!
HOY KUYA!!! Di ko malaman ang totoong dahilan, para saktan at durugin ang puso ng dati mong minahal!
May nakita ka bang iba, at ganoon na lamang na siya'y ipagpalit na walang matinong paalam???
Siguro di mo talaga siya mahal! Dahil mas pinili mo siyang paikutin at paglaruan!
Pambihira naman! Sa dinami-dami ng lolokohin, "SIYA" pa na iyong dating iningatan!
KUYA!!! Wala ka bang konsensya??
Mas pinili mong durugin at sugatan ang puso niyang walang ibang alam kundi mahalin ka at pagsilbihan!
ATE!!! Hayaan mo na siya! Dahil ang pusong sugatan ay maghihilom at muling sasaya!
Hayaan mo sila!!! Lalo na "SIYA"! na walang ibang ginawa kundi ang paluhain at saktan ka!
Tandaan mong hindi ikaw ang nawalan! Kundi siya!
Oo Siya!!! dahil iniwan niya ang sakanya'y totoong nagmamahal!
ATE!!! Hinihiling ko lang, kung darating man ang ang tamang panahon;
Na muling iibig sa pangalawang pagkakataon;
Hayaan na muling sumaya at sumigla sa piling ng iba.
Huwag isipin na tulad siya nang iyong nakaraan,
Sapagkat tadhana ang magsisilbing daan upang makilala ang taong muling bubuo ng puso mong nasugatan!
Huwag kang matakot magmahal muli,
Hayaan mong mabago ang pagtingin sa mga lalaki;
Di lahat puro kalokohan ang nasa isip;
Dahil mayroon diyan handa kang mahalin higit pa sa kanilang buhay!!
Orihinal na tula: @xorexman
Ang litrato ay ang aking kaibigan. Ngunit hindi siya ang may pusong sugatan. (LOL)
@surpassinggoogle has been a wonderful person and please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
ano bee yeen ang shakeeet ;) tinutoo talaga eeh.. Palalayain ko na siya charoot!!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
ayieee!! parang ikaw ba yan hehehehehe joke..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
hahaha :) QUITE lang ako
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by Cris(xorexman) from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit