TULANG FILIPINO: "NASAAN KA NA"

in tulang-filipino •  7 years ago 


nasaan ka pix.jpg


NASAAN KA NA?





Kay tagal na kitang hinahanap
Subalit bigo kang mahagilap
Araw- araw ikaw ang laman
Nitong puso kong timtiman



Ikutin man itong daigdig
Maglakbay man at manlupig
Subalit tila wariy kay ilap
Nang tulad mong marilag



Giliw ko, nasaan ka na?
Pakiusap sa akin ay lumapit
Sa pagtulog ikaw ang sambit
Yaring puso'y ikaw ang nakaukit



Hanap kita aking sinta
Aking mahal magpakita ka na
Hugis ng iyong muka di malimutan
Sa puso ko'y matatanaw kaylanman




kredito sa imahe



INYONG NAIBIGAN.png









Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!