Tula para sa Aking Minamahal na Anak - ULOG DAY 9 (08/09/18)

in ulog •  7 years ago 

Hello everyone! Gusto ko po sanang ibahagi sa inyo ang aking nagawang tula :-) Ito po ay para sa aking anak. Sana po ay inyong magustuhan :-)

PhotoGrid_1533768457820.jpg


Munting anghel na sa amin ay nagpapasaya;
Sa mga ngiti mo, agad napapawi ang lumbay.
Hatid mo saami'y tunay na kagalakan at kaligayahan;
Bigay ng Maykapal, ikaw ay aking pakakaingatan.

Mahal kong anak, ikaw ay lumaking mabait at masigla;
Sa iyong paglalakbay nawa'y gabayan ka ng AMA.
Sa iyong paglaki, nawa'y makamtan ang iyong mga pangarap;
Narito lamang kami upang ikaw ay gabayan.

Para sa iyo anak, gagawin ang lahat.
Bilang mga magulang, ibibigay ang iyong pangangailangan;
Maghirap man kami kung kinakailangan;
Ganyan ka namin kamahal, iyong pakakatandaan.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!