Bakit Mabuti ang HF21 para sa HoboDAO!

in ulogs •  5 years ago  (edited)

Bakit Mabuti ang HF21 para sa HoboDAO!


Ang HF21 ay gumawa ng mga makabuluhang pagbabago sa blockchain ng Steem at sa iyong personal na karanasan bilang isang user. Ang mga gantimpala para sa mga May-akda ay binawasan, pati narin ang maaaring kabuuang gantimpala ng nilalaman para sa mga curator at mga may-akda ay binawasan din para sa pagsuporta sa isang tampok ng pangangalap ng pondo na nagpapahintulot sa mga proyekto na makipagpaligsahan para sa suportang pang ekonomiya.

Gayun paman ang malamang na may pinakamalaking pagbabago ay ang bagong 20 STEEM na pasimulang curation na itinakda sa mga post at komento. Itong threshold na ito ay idinisenyo upang mapigilan ang mga whales at ang kahit sinuman sa pag-spam ng mga post at komento sa blockchain para lamang iboto ang kanilang mga sarili. Ngayon ang lahat ng mga post at mga komento na mababa sa 20 STEEM ay makakaranas ng kaparusahan sa gantimpala at lahat ng post at komento na lalagpas sa 20 STEEM ay makatatanggap ng karagdagang gantimpala.

Maaaring makita mong ito'y nakakabigong pagbabago ng mga kaganapan. Dahil mas kinakailangan na ng mga tao na magsumikap na gawin ang mga sumusunod na maaaring magdulot sa kanilang mga nilalaman na, sumikat sa Steem. Sa bagong kapaligiran na ito, ang pag resteem ay maaaring maging lalong mahalaga at kinakailangan para sa ikatatagumpay ng isang nilalaman, at ang bilang ng mga may-akda ay malamang na liliit dahil ang pagtanggap ng gantimpala mula sa curation ay lalong mas pinadali.

Kinakailangan na ang talento sa mundo ng #bagongsteem, at ito ay makakabuti sa proyekto ng HoboDAO. Sa panimula ng aming proyekto, ang HoboDOA ay sinadya para gantimpalaan ang mga mapagsumikap, talentadong mga taga-likha ng nilalaman, sa pamamagitan ng arawang patimpalak sa curation. Ang pinagsamang Steem Power ng aming komunidad at mga nakatugmang mga aktibong kalahok ay nagbigay ng isang abenida para sa pagpapatibay ng reputasyon ng mga taga-likha ng may kalidad na nilalaman.

Ang Pondo ng Hobo ay gagamiting pang-gantimpala sa mga bagong follower (na mayroong 50+ na SP sa kanilang mga account) ng 50 HBO bawat isa simula ngayong araw. Kami ay magpaparami ng tagasubaybay ng sagayon ang mga likha ng aming mga kalahok ay maipapakita sa maraming tao, totoong tao at hindi lamang mga bot. Maraming account ang may 10,000+ na mga tagasubaybay, ngunit mas madalas na malaking porsynto ng mga ito ay mga bot account. Ang HoboDOA ay mag iipon ng totoong madla at ipapakita sa kanila ang mga nangungunang makalidad na mga gawa sa pamamagitan ng aming sistema ng pagsusumite sa patimpalak.

Higit sa lahat, ang mga nanalong kalahok sa aming arawang limang(5) nagunguna ay makakatanggap ng gantimpala mula sa HoboDAO. Ang aming unang tatlongput tatlong(33) patimpalak ay ipamamahagi ang mga token at curation na ito bilang gantimpala:

Unang nagwagi - 100% Upvote / 5000 HBO / 100 NGA / 100 NATRL / Trendo Upvote (Maaaring masmarami pang mga token...)
Ikalawang nagwagi - 100% Upvote / 2500 HBO / 80 NGA / 80 NATRL / Trendo Upvote (Maaaring masmarami pang mga token...)
Ikatlong nagwagi - 100% Upvote / 1250 HBO / 60 NGA / 60 NATRL / Trendo Upvote (Maaaring masmarami pang mga token...)
Ika-apat na nagwagi - 100% Upvote / 625 HBO / 40 NGA / 40 NATRL / Trendo Upvote (Maaaring masmarami pang mga token...)
Ikalimang nagwagi - 100% Upvote / 312 HBO / 20 NGA / 20 NATRL / Trendo Upvote (Maaaring masmarami pang mga token...)

Ang aming napapanatiling modelo ay pahihintulutan tayo na regular na mag-gantimpala sa limang nangungunang mga submisyon ng mga kalahok ng, 100% na upvote na gantimpala mula sa HoboDAO at Hobo token. Nandito ang masusustinihang mga gantimpala para sa ating limang nangungunang arawang mga submisyon:

Unang nagwagi - 100% na Upvote / 5000 HBO / + Potensyal na mga upvote mula sa mga partikular na Tag
Ikalawang nagwagi - 100% na Upvote / 2500 HBO / +Potensyal na mga upvote mula sa mga partikular na Tag
Ikatlong nagwagi - 100% na Upvote / 1250 HBO / + Potensyal na mga upvote mula sa mga partikular na Tag
Ika-apat na nagwagi - 100% na Upvote / 625 HBO / + Potensyal na mga upvote mula sa mga partikular na Tag
Ikalimang nagwagi - 100% na Upvote / 312 HBO / + Potensyal na mga upvote mula sa mga partikular na Tag

Ang sistema sa paggagantimpala ng HoboDAO ay pinapatakbo ng pakikipagtulungan nito sa mga token ng ibang komunidad tulad ng Engage, Natural Products, Trendo at iba pa. Pinatatakbo din ito ng sarili nitong mga delegator na kilala sa sistema ng HoboDAO bilang mga Delegation Miner na nag-mimina ng mga gantimpala sa anyo ng Hobo tokens sa pamamagitan ng pag-delegate sa pangunahing curation na account ng HoboDAO ang: @hobo.media.

Bakit dapat alalahanin ang Pagkakaroon ng sariling HBO token?

Ang arawang patimpalak at sistema sa paggagantimpala na pinapatakbo ng HoboDAO na pinapagana naman ng HBO na utility token, na ginagamit upang mapunan ang bayad sa mga isinumite para sa pagpasok ng inyong mga nilalaman o mga nilalaman ng iba na meron nalamang nalalabing tatlong araw para sa curation (pag-upvote) ng nilalaman.

Ang bayad sa pagsumite para sa pag pasok sa isang arawang paligsahan ay 500 HBO at ito ay ipapadala sa Steem account na tinatawag na @hobodao. Ang pagpapadala ng mga token sa account na ito ay halintulad sa pag susunog ng mga token dahil ang account na ito ay kinakailangan ang mga Caster, Auditor at Senator na sumangayon at pumirma para sa token na maipasa palabas sa naturang account.

Patuloy na kokolektahin ng @hobodao na account ang mga bayad sa pagsumite at hindi maaaring mailabas ang mga token na ito ng wala ang mga signature ng lahat ng miyembro ng HoboDAO. Habang posible na isang araw ay muling maipamahagi ang mga token na ito sa tiyoryang magkaisa ang lahat ng mga miyembro, sobrang taas ng tiyansa na ang ganoong kataas na pagkokoordina ay maganap. Nangangahulugan ito na ang token ng HBO ay magiging isang utility token na may deplasyon na estado.

Ang pangunahing curating account na @hobo.media ay naka-lock ang Steem Power. Kinakailangan muna ang mas maraming boto ng mga Senator na sumasangayon na i-power down ang Steem Power nito. Nangangahulugang ito na ang @hobo.media account ay patuloy na mag cu-curate ng nilalaman, at ang upvote value nito ay patuloy lamang na lalaki kasabay sa pagdami ng delegator at mga gantimpalang nakukuha mula sa curation.

Habang dumadami ang Steem Power na nagagawang kulektahin sa account ng kominidad na ito, mas lalong rarami ang mangangaila ng HBO token dahil masmaraming tao ang mangangailangan nito para makapagsumiti ng mga gawa nila sa arawang patimpalak na sistema ng HoboDAO.

Paano makakuha ng HBO?

Maaari kang magmina ng HBO token! Patuloy na dumarami ang bilang ng mga tao na sumasali sa proseso ng pagmimina ng HoboDAO sa blockchain ng Steem. Ngunit, ano nga ba talaga ang eksaktong sistema sa pagmimina ng HoboDAO? dumako tayo sa kung papaano ka makakapagmina ng Hobo token at bakit may ilang mga tao ang naaakit na gawin ito.

Ang HoboDAO ay may naiibang sistema sa paggagantimpala na tinatawag na pagmimina gamit ang delegasyon(Delegation Mining). Sa Kasalukuya'y, ang mga delegator ay ginagantimpalaan ng 500 hobo token sa bawat 5 SP na i-dinelegate, subalit simula 09/01/2019 ang mga gantimpala ay magiging 250 HBO sa bawat 5 SP na i-dinelegate, at patuloy na mahahati sa pag lipas ng mga buwan.

Wala ka masyadong SP? Hindi iyan problema, sa maliit na halaga lamang ng 5 SP na idedelegate mo sa HoboDAO (@hobo.media) maaari kanang makasali at magsimulang magantimpalaan ng HBO token sa kabila ng mayroon ka lamang na maliit SP.

Maging isang Miner ng HBO Token:
Mag-delegate ng 5 SP Dito sa HoboDCC (250 HBO kada buwan ang makukuha sa loob ng 9/2019)

Mag-delegate ng 50 SP Dito sa HoboDCC (2500 HBO kada buwan ang makukuha sa loob ng 9/2019)

Mag-delegate ng 100 SP Dito sa HoboDCC (5000 HBO kada buwan ang makukuha sa loob ng 9/2019)

Mag-delegate ng 200 SP Dito sa HoboDCC (10,000 HBO kada buwan ang makukuha sa loob ng 9/2019)

Mag-delegate ng 500 SP Dito sa HoboDCC (25000 HBO kada buwan ang makukuha sa loob ng 9/2019)

BASAHIN ANG ORIHINAL NA NILALAMAN SA SUMUSUNOD NA LINK
https://steemit.com/steem-engine/@hobo.fund/why-hf21-is-good-for-the-hobodao


Posted via Marlians.com
Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ang galing naman magsalin sa Filipino 👏🏽👏🏽👏🏽

Posted using Partiko iOS

Maraming salamat @guruvaj, iniimbitahan kita sa aming discord server upang iyong lubos pang malaman ang patungkol sa HoboDAO.

i-click lamang ang link na ito -> https://discord.gg/sgHyY6c

Maraming salamat!

I joined 😄

Posted using Partiko iOS

Maganda to. Ayos talaga @ruah.

oo pre @mindblast parang improvise sya ng curie. at mas maganda pa.

Magandang impormasyon at kaalaman nanaman ang binahagi mo pareng @ruah. Magiging matagumpay itong proyekto na ito!

Thanks pre, talagang kaabang abang ang kanilang mga update. malapit naring ilabas ang kanilang white paper.