Utang Mo Bayaran Mo!

in untalented •  7 years ago  (edited)

Marahil iba sa atin ay nabubuhay sa pagkakautang at marahil iba sa atin ngayon ay may utang at isa na po ako doon haha! Ano ano nga ba ang dahilan ng ating mga pag kakautang? Ayun sa aking pag susuri at pag susubaybay sa aking paligid gayun din sa aking mga nakakausap na mga kaibigan madalas ang dahilan ay na kukulangan sa mga biglaang gastusin. Gaya ng pambayad sa tubig, kuryente at minsan ay pang matrikula sa pag aaral ng anak at kung ano pa na dapat unahing bayaran.

Dahil sa mga utang na iyan ay may nasisirang relasyon. Relasyong magkaibigan, relasyong mag ka mag anak at relasyong mag kasintahan na nauuwi sa hiwalayan. Nakakatawa diba? Nang dahil sa utang maghihiwalay kayo sa inaakala mong poreber mo. Nang dahil lang sa pera nasisira ang inyong magandang nabuong pagsasama.

Unahin natin ang nasisirang relasyon ng matalik na magkaibigan. Sa lahat ng bagay ay pinakikibagayan mo siya bilang respeto sa inyong pagkakaibigan. Andiyan ka upang tulungan siya sa kaniyang pangangailangan. Taga libre ng pagkain, taga libre ng pamasahe, taga libre ng kung ano ano dahil isa yan sa bonding niyong magkaibigan. Minsan maririnig mo sa kaniya. '' Bes! baka may sobra ka diyan pautang naman may sale kasi sa mall bayaran kita pagsahod na natin'' halos abot langit pakikiusap sayo. Minsan magsisinungaling pa para makautang ulit '' Bes! emergency pahiram naman ng pera please!''Tapos ilang araw makikita mo naka post may bagong OOTD! Nakakasama ng loob diba?haha!
Sa oras ng ikaw naman ang nangangailangan 'nga-nga ka!' dami na palusot. Sisiraan ka pa sa mga kasamahan niyo. Lahat ng amoy ng utot at kili kili mo sasabihin sa iba masira ka lang. Saklap bes!

Pagdating naman sa kamag anak. Ito madalas hindi ka talaga makakatanggi na hindi mo tulungan ang kamag anak mo, kasi nga kamag anak mo eh! May kamag anak talaga tayo na inaabuso ang kabaitan natin. Ang amo amo sa atin kapag may kailangan. Dahil sa sobrang gusto natin makatulong nating sa ating kamag anak lahat ng suporta ibinibigay natin kahit usapang pinansyal na. Minsan ayos lang sa atin na hindi tayo mabayaran kasi nakakahiya naman na singilin natin kasi andiyan talaga nasa isip natin na pera lang iyan at kamag anak mo sila. Pero kapag ikaw naman ang may kailangan?Naku hindi na mahagilap. Hindi na makontak! dami na palusot, kesyo binayad sa paaralan kesyo may problema pero makikita mo ang anak nag post kumain sa mamahaling restuarant! Kaloka! May pang kain sa labas walang pang bayad ng utang? haha Pero minsan may kamag anak din na talagang nagbabayad ng utang pero inaabot ng taon! haha! Ikaw na nag pautang na walang tubo ikaw pa tinakbuhan haha!

Ito matindi! Nagkakahiwalay ng dahil lang sa utang! Oo bes! meron talagang nangyayare neto sa totoong buhay. Sa unang taon niyo magka relasyon lahat ng pangarap na nabuo niyo ay bigla nalang masisira dahil sa utang. Sa huli kaniya kaniya kayong bawian ng mga naipon niyo at mga ibinigay niyo sa isat-isa. Buhay nga naman ano?haha.

Bes! Isa po sa naituro sa atin noong tayo ay nag aaral pa ay wag po mangutang kung hindi kaya bayaran, at wag po mag paasa kasi ang pera po na inutang natin ay pinaghirapan din ng hiniraman natin. Obligasyon po natin na isauli ang ating hiniram.

PS: Wala po akong pinariringgan sinulat ko lamang po ang aking opinyon at ayon sa aking karanasan. :)

Maraming salamat po

89.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Bayad na po kayo utang nyo, mga ate, mga kuya :D Sabi nyo babayaran mo eh 2015 nyo pa yun prinamis :D

haha!wala na pag asa yun sis, may amnesia na yun haha!

Ouch! hahaha bayad na ako sis ah.

buti ka pa sis, ako mahaba pa listahan ko haha

true sis may mga relasyon na nasisira dahil sa utang, pano ba naman kasi ang tao, mabait lang sayo pag may kailangan, pag nauutangan ka, pero pag siningil mo, galit na, ikaw pa ang masama. Bayad bayad din bes pag may time..

Haha! Naka relate ka sis? Minsan yung nangungutang siya pa matapang at may gana talaga sumira sa pagkatao mo para lang mahugasan sarili dahil sa pag kakautang haha!

super relate sis. bato bato sa langit, tamaan, sapol. hehe.

naku sis , la ako pambayad kaya di ako makautang e , 😂

Buti ka pa sis yung akin ang haba pa ng listahan haha!

minsan mas mainam pa magpautang sa di kadugo kasi kapag kapamilya, kahit utang usapan nyo nagiging lista sa tubig at thank u na lang eh...
May experience ako jan 😂

Hay korekong sis! Kaya nga ako na HB ngayon dahil sa ibang kamag anak namin na lalapit lang sa amin pag me kailangan tapos sisingilin na hindi na makagilap. Magpapaktia nalang ulit kapag me kailangan hay buhay haha!

Oh, good Lord! I know some owe me big time lol

haha! I have a lot of debt too LOL!

Bakit nga ba di natin naka lakihan yan, dapat talga bayaran ang utang

Nasa dugo natin sis eh haha

bwahahahha relate much sis tumpak na tumpak hehehe :-D

Relate na relate sis haha

bato bato sa langit ang tamaan magagalit. hehe

oo na mam. magbayad na ako hehehe joke mam.

oh dear i wish i could read this post!

palista na lang po sa tubig hahaha