Alamin ang susunod na proyektong pagtatambalan nina AiAi at bossing Vic

in vicsotto •  7 years ago 

aiaivic.jpg

Dalawang taon ang bisa ng exclusive contract na pinirmahan ni AiAi delas Alas sa GMA Network Inc.
Grateful at thankful ang Comedy Concert Queen sa management ng Kapuso Network dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kakayahan niya.
“Salamat sa Diyos dahil binigyan at binibigyan pa rin ako ng trabaho ng Kapuso Network,” ang sabi ni AiAi.
Isang teleserye at isang sitcom na muling pagsasamahan nila ni Vic Sotto ang mga project ni AiAi sa bagong kontrata niya sa GMA-7.
Kung si AiAi ang masusunod, afternoon drama series ang gusto niya na ibigay sa kanya ng Kapuso Network.
“Mga housewife, nanay at mga mighty yaya ang audience ko at sila ang mga mahihilig na manood ng mga afternoon teleserye kapag tapos na ang mga gawaing-bahay nila.
“Sa gabi kasi, maaga na nagpapahinga ang karamihan sa kanila dahil maaga sila na gumigising para asikasuhin ang kanilang mga asawa at anak na papasok sa opisina at sa school. Ganoon din ang routine ng mga mighty yaya,” ang paliwanag ni AiAi tungkol sa pangarap niya na magkaroon ng afternoon show sa kanyang mother studio.
Isa ang kanyang BFF na si Sharon Cuneta sa mga bumati kay AiAi nang mag-renew ito ng exclusive contract sa GMA-7
“Congrats my BFF (pero siyempre may konting huhuhu, 'di pa rin tayo magkasama). Happy that the Kapuso Network loves you and takes care of you.I love you,” ang congratulatory message ni Sharon kay AiAi.
Bukod sa mga bagong programa ni AiAi sa Kapuso Network, magiging abala siya sa paglilipat ng bahay dahil tapos na ang construction ng kanyang three-story house na may swimming pool, gym at spa.|
Excited na si AiAi sa paglipat niya sa kanyang bagong bahay sa darating na Huwebes. Pinaghahandaan na rin nila ng kanyang fiancée na si Gerald Sibayan ang church wedding nila sa December 12, 2017 na magaganap sa isang simbahan sa Quezon City.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!