Announcing Philippine Poetry & Song Writing Challenge : Gumawa ng Sariling TULA o KANTA at Manalo! Proyektong Naglalayong Mapagyaman ang Wikang Filipino. 50SBD ang naghihintay sayo!

in wikang-filipino •  7 years ago  (edited)

Mag-ingay Kabayan!

Ikinagagalak kong ipahayag sa inyo na ang paligsahang ito ay nagnanayong ipakita ang husay nating mga Pilipino pagdating sa paggawa ng mga "TULA at KANTA" gamit ang ating sariling wika.

Philippine Poetry and Song Writing Contest.jpg

Sa paligsahang ito, "Wikang Tagalog" ang linggwaheng ating gagamitin. Ito ay para makalahok ang lahat ng Pilipino (ito rin ay ang ating Pambansang Wika). Uniformity at pagkakaunawaan ng lahat din ang ating ninanais.

Lubos akong nagpapasalamat sa suporta at pagmamahal na binibigay ni @donkeypong para mas mapaunlad ang komunidad nating mga Pilipino dito sa Steemit. Maraming salamat Tom!

donkeypong donation.png

Gantimpala

Winner : 50 Steem Dollars (SBD)!!!

1st runner-up : 50% Liquid SBD sa post na ito.

2nd runner-up : 30% Liquid SBD sa post na ito.

3rd runner-up : 20% Liquid SBD sa post na ito.


Anong Klaseng Paligsahan?

Ang paligsahang ito ay :

"GUMAWA NG SARILING TULA o KANTA"

Pumili ka kung TULA o KANTA ang pipiliin mong entry. Orihinal mong katha ang dapat mong ilathala. Kung hindi, patawad pero Automatic Disqualification ang magiging hatol sa iyo, kaibigan.

Pagpapaliwanag sa Paligsahan

  • Gumawa ng isang tula o kanta. Kahit anong genre (Pag-ibig, Pagkakaibigan, Pamilya, Pagmamahal sa bayan, atbp). Ang importante, ito ay sarili mong gawa at ang wikang gagamitin ay Tagalog/Filipino. Kahit malawak ang genre ng paligsahan, laging tandaan na "Ang mas makabuluhang gawa ay nakapagbibigay ng mas mataas na transang manalo".
  • Ang TITLE ng iyong entry ay dapat magsimula ng Philippine Poetry and Song Contest #1, "Pamagat ng iyong Tula/Kanta".
    Halimbawa :

Philippine Poetry and Song Contest #1, "Binibining Bumuhay Sa Tahimik Kong Mundo"

  • Pwede ninyong mapaganda ang iyong isinumiteng gawa, dahil isa rin ito sa mga pagbabasehan ng mga hurado.

Maliban sa nilalaman ng tula o kanta, maaari kayong magrecord ng video ninyo habang kinakanta o binabalangkas ang iyong isinumiteng gawa. Maaari din kayong maglagay ng drawings, paintings, o kaya doodle art para mas makapagbigay kulay sa iyong gawa. Parte kasi ang Creativity sa basehan ng paghusga. Lahat ng iyan ay suhestiyon lamang at nasa iyo parin ang desisyon kung paano mo gagawin ang iyong gawa.


Mga Kailangang gawin

  • I-upvote at I-resteem ang post na ito.
  • Ang pinakaunang tag (primary tag) na gagamitin mo ay #wikang-filipino na tag. Nasa iyong desisyon na ang natitirang apat na tag.
  • I-comment ang link ng iyong gawa sa post na ito. Nang sa gayon ay mailathala at makompirma namin ang iyong partisipasyon sa paligsahang ito.
  • Uulitin ko : Ang titulo ng iyong entry ay dapat magsimula ng Philippine Poetry and Song Contest #1, "Pamagat ng iyong Tula/Kanta".
  • Dapat maisumite ang iyong gawa na hindi lalagpas ng pitong araw (Isang linggo) o bago lumabas ang Payout ng post na ito.

Paano Huhusgahan ang Mananalo

  • Ang Criteria of Judging ng paligsahang ito ay ang sumusuno :

70% : Kalidad ng Entry (Content Quality) :

- Ito'y tungkol sa nilalaman ng iyong TULA o KANTA.

30% : Ang Pagkulay sa iyong Gawa (Creativity of the Content) :

- Ito'y tungkol sa kung paano mo binigyan ng kulay ang iyong gawa gaya ng pagrecord ng video, paggamit ng props, drawings, paintings, doodles, o kahit anong ginawa mong pagkulay sa entry mo.

Ang mga Hurado at ang Computation

May POOL OF JUDGES ang aking inimbita sa paligsahang ito ng sa ganun ay maging TRANSPARENT at patas ang pagpili ng mapala na mananalo.
Maraming salamat sa pagtanggap sa imbitasyon sa mga indibidwal na ito :

@cloh76, @dremiely, @immarojas, @devereei, @erangvee, @juvyjabian at ako @jassennessaj.

Bawat isang hurado ay magbibigay ng score sa bawat entry :

Content Quality - Magbibigay ng score ang isang hurado Mula Isa hanggang Sampu. Isa ang pinakamababa.

Creativity of the Content - Magbibigay ng score ang isang hurado Mula Isa hanggang Sampu. Isa ang pinakamababa.

Rating ng Hurado = (0.70)x(Content Quality Score) + (0.30)x(Creativity of the Content Score)

Ex : Walo ng score ng hurado sa Content Quality at pito para sa Creativity of the Content

(0.70)x(8) + (0.30)x(7) = 5.6 + 2.1 = 7.7

Ang overall score ay ang kabuuan ng mga score ng mga hurado.


Aking i-aanunsiyo ang mga mapalad na mananalo isang linggo pagkatapos itong mailathala (Payout period)

Sumali sa discord channel para sa paligsahang ito kasabay ang pagsali sa STEEMIT PHILIPPINES discord channel.

https://discord.gg/phN8Frw

Lubos naming ikinagagalak ang iyong pagsali. Salamat, KABAYAN!

Lubos na nagmamahal,

@jassennessaj

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ako ay maghahanda para dito. Ang tagal ko ng hindi nag sulat ng tagalog na kanta ;P

Aasahan ko yan, kabayan!

Updated na yung entry ko with lyrics :)

Salamat @bien! Best of Luck! :)

Salamat din poh sa paunlak na torneyo..heheh

Napakagandang oportunidad nito para maipahayag sa lahat ng tao sa mundo..

" ang makabuluhang likha at galing ng isang Pilipino pagdating sa larangan ng Poetry and Song Making"

makakaasa kang ako ay lalahok sa event na ito :) salamat sa impormasyong iyong ipinahatid @jassennessaj

@rejzons

Salamat sa suporta. Nawa'y palarin ka sa paligsahang ito :) Best of luck @rejzons!

sasali ako, kahit mahirap, Lahat ay gagawin, Lahat ay susuyuin, Lahat haharapin, Lahat ay kakayanin. sasali ako sa dulo ng mundo ..bwahaha popcorney jke.

Hahaha. Aasahan ko yan, kaibigan :)

ilang beses maaring magsumite ng mga likha? maari bang magsumite ng marami?

MORE CHANCES OF WINNING kumbaga!!

Magandang katanungan yan @rakerumon. Isang entry lang kada miyembro :) Patawad at nakalimutan ko ito.

Ako ay namangha sa iyong ginawa
At lalong natuwa sa laki ng gantimpala
Sapagkat ako ay may naalala,
Mga salitang gamit sa aking mga akda
Hindi ating pambansang wika

Subalit, kaibigan, wag kang mag alala
Ako muli ay gagawa
Bagong akda gamit ang sariling wika
Nang sa inyo, aking maipakita
Na ipinagmamalaki ko ang pagiging isang tunay na Pilipina 😊
🇵🇭

Aww. Salamat sa pagpapaunlak ng iyong angking talento. Ako'y namangha, kabayan! <3

Pasensya na at ako'y natagalan, di ko agad nasimulan.
Pero susubukan ko lang naman, sana'y inyong magustuhan. 😊

https://steemit.com/wikang-filipino/@queenjventurer/philippine-poetry-and-song-contest-1-muntig-tinig

Hintayin nyo ang aking artikulo kababayan!

Inaasahan ko yan, kabayan 😂😂

Interesting... ^^ Will try to join... :) but my tagalog though... hahaha... anyways, written nman... hurray for my bisdak accent! lol... Go Philippines!^^

Anong "my tagalog though"? Don't me. HAHAHA. 😂 Sali you, k?

  ·  7 years ago (edited)

Ninja mode ka na naman... LOL

hahahaha.. Opo.. sasali po.. pero walang voice over.. HAHAHAHA.... :P

  ·  7 years ago (edited)

Nag-kage bunshin no jutsu ako. Shadow clone ko yung nagcomment kanina sayo. Pati ngayon. LOL.

Good luck! 😁 Me out! -insert clone poof! here-

  ·  7 years ago (edited)

Hahahaha... dami ko talagang tawa sayo Airaaaa.... mga 20 plus!! xDDDD

Thank you! ^_^

Ohh sya~~~ see you around my ninja friend! If di mo ko makita, katok ka lang sa anime world! or sa parallel world #9999 xDD :P

Hi @tegoshei. Alam kong malalampasan mo rin ang hirap. Ako nga dumudugo na ilong ko. Laking bisaya rin ako eh. Eh paano, dpat Tagalog para makasali ang lahat :)

Inaasahan kita, kabayan!

Naiintindihan ko... Pagsisikapan kong makalikha ng isang tula gamit ang linguwaheng Tagalog... dumugo man ang ilong ko, basta para sa bayan.. hahaha... xDDD Seriously, writing in Tagalog/Filipino is okay (bisan wa diri wa ddto usahay.. haha! go lang ng go!) ... ^^

Tagalog poetry... Maraming magagaling na nabasa ko dito, a. Sana manalo siya...

Tama ka, kabayan. Ang paligsahang ito ay naglalayong maipakita ang pagkamalikhain ng mga Pilipino. Inaasahan ko ang paglahok mo!

Good luck guys! Yari kayonsa akin ngayon sa contest na ito hehehhe

Inaasahan ko ang iyong paglahok, kabayan! Eksayted akong mabasa ang tula o kantang ilalahathala mo :)

Awee! This is exciting! But Wikang Filipino is </3 hahaha weak kay ko :'( hahaha I'll be calling out the help of my sister hahaha

Thanks much for the support @marysent! I'll look forward for your entry :) Share this cool initiative too! :)

Haha! Ayaw pag expect sa akong entry kuya @jassennessaj, masakitan ra ka hahaha. Di ko kahibaw tagalog hahahaha xD Si April lang guru ako pajoinon haha :D

My limit po ba sa number of words tulad sa ibang contest? Thank you po, tanong lang po, try ko din sumali :-)

Hi. Walang limit ng number of words :) Ito naman ay hinahatulan kung kayat ang isang partisipante ay maghahangad ng mas magandang gawa o entry :)

Hello jas

Hi @bilqis07. Inaasahan ko ang paglahok mo :)

Nice @jassennessaj..shoutout to all who are not on discord!
@pjmisa @bennydelacruz

Salamat sa suporta @immarojas!

You're welcome Jass..i will try.

Jass...DM pls. ta!

  ·  7 years ago (edited)

Hi. This is my entry for this contest. Kindly take a look. Have a great day!
https://steemit.com/wikang-filipino/@kimpupot/philippine-poetry-and-song-contest-1-batang-musmos

Nice entry gang. I miss you and Keisha! 😍

Nabasa ko at napakaganda @kimpupot :) Maraming salamat sa iyong gawa.

May ginawa akong article, para mas mapaexplain pa ang kulang na guidelines para sa paligsahang ito.

https://steemit.com/philippines/@jassennessaj/clarification-add-on-guidelines-on-philippine-poetry-and-song-writing-contest-participants-please-read

Sana mabasa mo :)

Nice one bro. I love it! 💖 This is awesome.

Ito po ang aking entry! Sana po ay magustuhan niyo. :D

Philippine Poetry and Song Contest #1, Pasimuno by Guts and Smiles

https://steemit.com/wikang-filipino/@aace234/philippine-poetry-and-song-contest-1-pasimuno-by-guts-and-smiles

Nakita mo na ba yung lyrics?

Magandang gabi! Narito po ang aking piyesa para sa patimpalak na ito. Sana'y maibigan niyo.
Philippine Poetry and Song Contest #1, "Mata, Anong Iyong Nakita?"

https://steemit.com/wikang-filipino/@krizia/philippine-poetry-and-song-contest-1-mata-anong-iyong-nakita

@jassennessaj
Ginoo ito yung entry ko sanay magustuhan ninyu, para sa lahat nang mga estudyante diyan haha relate kayu nito.

nawa'y kayu masiyahan , pagkat buong galak ang paggagawa ko diyan. haha

https://steemit.com/wikang-pilipino/@jcpuzs1/philippine-poetry-and-song-writing-contest-1-inhinyerong-esdtudyante

Mabuhay Pilipinas

Masaya ito. Good luck sa mga sasali. :)

Wew maganda to! Pero mahirap kalabanin ang kapwa natin pilipino dahil talagang napakamalikhain natin at hindi marunong umurong sa laban! GO GO GO!! Pilipinas, hehe

Ito'y aking gawa sa pagsuporta sa paligsahang ito :). Hindi ito valid entry sapagkat ako'y isa sa mga hurado :)

https://steemit.com/wikang-filipino/@jassennessaj/philippine-poetry-and-song-writing-contest-1-pag-ibig-ng-isang-lalakeng-torpe

Salamat po sa pag buo ng ganitong patimpalak... 😊
Eto po ang aking entry:
Philippine Poetry and Song Contest #1, "Pinoy Sa Ibang Bansa"

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by JassennessaJ from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

Ayos tong naisip mo ah. Try kong maka sali at magamit ang art ko sa pag tula!

kahit ilang entries po ba ito? :-)

20170825_061502.gif

This post has received a 1.56 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Isa itong magandang pagkakataon para makihalobilo sa mga kapwa ko pilipino

Hi @shaineloo! Sumali kana. Kamusta na shaine?

  ·  7 years ago (edited)

Magandang hapon sa'yo ginoong @jasseennesaj eto ang tula ko na para s mga taong nagmamahalan kahit malayo sa isa't isa. Sana, magustuhan nyu ito.
https://steemit.com/wikang-filipino/@ted7/philippine-poetry-and-song-contest-1-l-d-r-long-distance-relationship

Magandang Araw po Mr. @jassennessaj at mga kababayan.. Ito po ang aking entry sa patimpalak na pinamagatang " Ganito ba Talaga ang Umibig? :) Please see, follow and upvote. ^_^ salamat po

https://steemit.com/wikang-filipino/@rejzons/philippine-poetry-and-song-contest-1-ganito-ba-talaga-ang-umibig

  ·  7 years ago (edited)

Sir @jassennessaj narito na po ang aking entry naway inyong magustuhan haha Philippine Poetry and Song Contest #1, "Ang Nag-iisang Hindi ka Iiwan"

https://steemit.com/wikang-filipino/@julstamban/philippine-poetry-and-song-contest-1-ang-nag-iisang-hindi-ka-iiwan

magandang araw po @jassennessaj nais ko lng po sanang iparating na meron pa po akong isang entry sa inyong patimpalak.. ito po ang aking ikalawang entry..

https://steemit.com/wikang-filipino/@rejzons/philippine-poetry-and-song-writing-contest-1-ang-pagiging-pilipino-oh-pilipinas-bayan-kong-pinagmulan

sana o ay maging valid po ito kung sakalinh ito ang aking maging final entry.. marami pong salamat :)

Pasensya na at ako'y natagalan, di ko agad nasimulan.
Pero susubukan ko lang naman, sana'y inyong magustuhan. 😊

https://steemit.com/wikang-filipino/@queenjventurer/philippine-poetry-and-song-contest-1-muntig-tinig