Philippine Poetry and Song Contest #1, "Batang Musmos"

in wikang-filipino •  7 years ago  (edited)

20476296_1554800084571350_5737660620592423020_n.jpg


Batang Musmos

Simula noong ika'y isinilang,
Kaligayahan sa tahana'y hindi mapantayan.
Mumunti mong katawan,
Kandong ni inang at pinaka-iingatan.

Bilog mong mga mata,
Matambok mong mga pisngi,
Ikaw ay isang anghel,
Balot sa lamping kulay kahel.

Isa, dalawa, tatlo, apat
Tila ang oras ay hindi na sapat
Kay bilis ng panahon
Sa Disyembre'y maglilimang taon

Ngayong lumalaki ka na,
Puso mo sana'y maging busilak at masaya.
Pagkat ang tanging nais ng iyong ina,
Buhay mo'y maging mapayapa at masagana.


Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

I am a new steemians, maybe i should study first with you, regards know me
https://steemit.com/@hotchannal please follow me
I followed and upvoted.Would you like to follow and upvote me.
!()

  ·  7 years ago (edited)

Hello @hotchannal! Followed you back! I guess you're into exercising and body building. Let's steem on!

nice!

Thank you @iwrite!

Napakacute at tunay na kayganda ng tulang ginawa mo.

Maraming salamat @kimpupot! Best of luck! :)

Maraming salamat @jassennessaj! That's my baby girl right there!

Nakakatuwa! :)

Ako'y nagagalak na ika'y natuwa!