"Philippine Fifty-Word Story Writing Contest "Ang Buhay ng Inhinyerong Estudyante"

in wikangfilipino •  7 years ago  (edited)

Sa lahat ng steemians sa buong mundo :)

Magandang Araw po sa inyong lahat!!!

Ako po ay nagagalak na i lathala itong aking gawang kwento na may limampung salita lamang. Ito po ang aking entry sa patimpalak na naglalayong ipahayag at ipagyaman ang wikang Filipino sa buong mundo :). Ang patimpalak na ginawa ni @jassennessaj

Ang kwento pong ito ay pinamagatang "Ang Buhay ng Inhinyerong Estudyante" kung saan akin pong inilathala ang buhay ng isang tulad kong inhinyerong estudyante.

" Marami man po kaming pinagdadaanan bilang isang inhinyerong estudyante patuloy parin po kaming nangangarap, nagsisikap at lumalaban para sa aming magandang kinabukasan. "

" Ang Buhay ng Inhinyerong Estudyante "

by: Rejieson Carin

Untitled1.png

Credits: Google 1 2 3

Nung una’y wala akong kamuwangmuwang sa tinatahak kong landas.
Ngunit habang sumisikat at lumulubog ang araw ay unti-unti kong naiintindihan lahat.
At sa bawat araw na ako’y nasa paaralan, bolpe’t kalkulador ang aking kasama’t maaasahan.
At dahil gusto kong umunlad sa buhay, nagsikap ako ng mabuti’t ngayo’y malapit nang magtapos.

Sana po'y inyong nabatid ang nilalaman ng aking kwento. Marami pong salamat !!! God bless at hanggang sa susunod. ^_^

Tanong ko lang po bago magtapos ang aking entry..

Untitled.png

Credits: Google - Life of an Engineer - Translated to Tagalog

Pumunta po sa link na ito para sa karagdagang detalye ng patimpalak...

" Philippine Fifty-Word Story Writing Contest Challenge "

Sumasainyo po,

bloggif_59b7ced2b8951.gif

@rejzons

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ito'y napakaganda! Maraming salamat sa iyong gawa, @rejzons!

salamat at walang anuman @jassennessaj :)

Maganda ang yong tula inhinyero.😊

maraming salamat kabayan :) @bonjovey

hello :) yeh sure ^_^