Word Poetry Challenge #13 : "Pilipinas" | My Entry

in wordchallenge •  6 years ago  (edited)

borders-2099222_1280.png


"PILIPINAS"
Katha ni:@blessedsteemer
🙏


Ang bayan kong sinilangan at kinagisnan,
Lupaing masagana sa likas na yaman.
Bayang magiliw at puno ng kapayapaan,
Kaya ang bansag sayo ay perlas ng silanganan
.


Binubuo ka ng tatlong kapuluan,
Iba't ibang lengguwahe ang iyong mapapakinggan.
Pinagkaisa sa puso at isipan,
Dahil iisa lang ang lahi ng pangkalahatan
.


Mula ng ikaw ay matuklasan,ng maglalayag na si Ferdinand Magellan,
Las Islas Filipinas ang sayo'y ipinangalan.
Ang dating pananampalataya na nakasanayan,
Nabago lahat ng dumating ang mga dayuhan
.


Sa isang iglap ang bayan kong minumutya at malaya,
Parang isang ibon na nahuli at nawalan ng laya.
Ng dahil sa mananakop,sa sariling bayan tayo ay naging alila,
At naging sunod sunuran sa lahat ng ipapagawa
.


Kaya naman ang ating mga ninuno ay nakibaka't nakipaglaban,
Upang maibalik ang ninakaw na kalayaan.
Para sa bayan na aking sinisinta,
Mula sa mga mananakop na sa atin umalila
.


Kaya ngayon ako ay taas noo,
At isisigaw ko sa buong mundo.
Pilipino ang lahi ko,
At Pilipinas ang bayan ko
!



Pinagkuhanan ng litrato


Salamat po sa inyong pagbasa! At ito ang kathang lahok para sa patimpalak na ito ni ginoong @jassennessaj, alam ko marami dito ang mga magaling gumawa ng tula at manunula at napakahirap manalo. Subalit sana ang akda kong ito ay makapasa sa batayan o panlasa ng hurado.😊 Maraming salamat po at mabuhay tayong lahat!💪👍

Ang inyo pong abang lingkod;
@blessedsteemer
🙏


blessedsteemer.png

QmQMv2EQTAfvizBChe6TZfeZQMrZVpwxzDHFs9fnthE33G.jpg

gvlogoforfooter.png

DQmWhDkre5tzTuCvheN7YW8vAvMKR63r6zU6RUbfssLptHu.png

Vote for witness: @steemgigs;@cloh76.witness ;@ausbitbank; @good-karma and @precise!

#####To cast your vote visit https://steemit.com/~witnesses

received_1948987111801248.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!