"Word Poetry Challenge #17". Tema : "Guro"brapollo29 (53) in wordchallenge • 6 years ago "Word Poetry Challenge #17". Tema : "Guro" Ang pag-iisip at pangunawa ko'y mosmos* Naliwanagan ang mga desisyon kong padalos-dalos* Sadyang tinandaan ko lang ang kanilang mga utos* Pag-aaral koy aking nairaos* Matagal-tagal din ang ating pagsasama* Alang kung sa bawat araw ay pagod na pagod ka* Minsan may mga kakalase pa akong mahirap makasalamuha* Mahirap turuan, minsan din kayong napaluha* Ngunit pusoy mo po ay dalisay* Pagtuturo ng tamang asal at tamang landas ang siyang pakay* Mga kinakailangan ihanda na mga buhay* Yan ang mga bagay na nagbigay kulay* Alam nyo ma'am at sir iba sa inyoy di ko na tanda Mula baitang una, hanggang nag-kolehiyo si kuya Marami na kasing taong nakilala Ngunit ang mga turo at aral ninyoy nasa ala-ala Kayo ang rason kaya akoy ganito ngayon Mabait, masipag, mapagmahal at may takot sa panginoon Marangal, makatao, may respito ako po iyon Marahil ang inyong mga turo ay di ko limot hanggang ngayon Ma'am at sir mabuhay po kayo Alam kong tulog nyoy minsan di sapat Alam kung kaibigan niyo'y puyat Kasa-kasama mula umaga sa lahat Ma'am at sir nasa kamay niyo po ang kapalaran Susi sa pag asinso ng mga kabataan Salamat mula sa puso na inyong dating mag-aaral Ako'y lubos na nagmamahal Sa lahat nag gurong hangad Magandang kinabukasan ay mailahad Maipakita sa kabataan ang hinaharap At daan tungo sa mga pangarap brapollo29 "Salamat mga Sir at Ma'am" img wordchallenge tagalog poetry guro steemit
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit