Pinuno ang buhay ko ng mga bahaghari
Ikaw ang reyna, ako ang 'yong hari
Ang puso mo'y akin na't pag-aari
Sa puso ko'y ikaw lang talaga ang laman
Dahil sa pag-ibig mo'ng yari sa kagandahan
Kasing ganda ng mga ulap sa kalangitan
Mga ulap ay nag-itim, nagbalot ng kadiliman
Lumisan ka nang hindi ko inaasahan
Humanap ka ng ibang hari't ako'y iyong iniwan
Sabay ng pagbuhos ng mga damdaming nasasaktan
Bawat luha'y nakabaon ang masasayang nakaraan
Bawat patak ay naaalala ang masakit na katotohanan
Maghihintay, ayaw pa ring lumisan
Umaasa parin na tayo'y magbalikan
Umaasa na matigil na'ng pagtulo ng luha't ulan.
The Mosquito
The Journey
Mahal Kong Manhid
Dear Friend
Barkada
Green Leaves
Kaibigan Nga Lang?
Ang imahe sa itaas ay kinuha mula sa pixabay.com
As a follower of @followforupvotes this post has been randomly selected and upvoted! Enjoy your upvote and have a great day!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Napakagandang tula. Palarin ka sanang manalo! :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit