Word Poetry Challenge #15: Pagbabalik

in wordchallenge •  6 years ago  (edited)

image

PAGBABALIK

Oh, aking mahal na Ina
Pag-aalaga mo sa ’kin ay kakaiba
Para sa akin ika’y napakadakila
Maswerte ako at ikaw aking naging Ina


Mga Kaibigan ko’y may tinatawag na Ama
Pero masaya ako kahit ikaw lang aking kasama
Ginawa mo lahat sa abot ng iyong makakaya
Ginagampanan ang pagiging Ina’t Ama na mag-isa

Pagmamahal mo’y sapat na sa’kin
Kahit nahihirapan ka’y ‘di mo maamin
Kapag may problema’y nakangiti ka pa rin
Bawat tawa mo’y kay sarap damhin

Tumigil sa pag-aaral, ‘di na kayang tustusan
Sa gawaing bahay ika’y tinutulungan
Para hindi ka na mahihirapan
Hayaan mong kita’y pagsilbihan

Isang araw inanyayahan ng aking pinsan
Na sa ibang bansa kami’y mamasukan
Tumuloy ako kahit hindi mo pinapayagan
Sa mithiing ipaparanas sa ’yo ang kaginhawaan

Araw, linggo at taon ay lumipas
Lahat ng paghihirap aking dinaranas
Kinaya ko lahat para sa ating bukas
Paghihirap natin ay wala ng bakas

Masaya ka sa balitang ipinaabot
Sa mga dasal ay mayroon ng sagot
At mapapawi na ang lahat ng lungkot
Noong mawalay sa’yo, puso ko’y napuno ng takot

Uuwi ako taglay ko ang lahat
Sa aking pagbabalik, may ipon na sapat
Nang ako’y umalis ika’y umiiyak
Ngayon marahil ika’y magagalak

Ngunit tumigil mundo ko nang pinto ‘y binuksan
Ako’y napapikit sa nadatnan ko sa ating tahanan
Ating munting bahay ay puno ng kalungkutan
Mga kamag-anak ay naghihinagpis sa iyong pamamaalam

‘Di man lang kita nasisilayan bago ka lumisan
Ni sa tawag o sulat, walang kang ipinaalam
Mabuti pang ako na lang ang namatay
Dahil tagumpay na dala ay wala ng saysay

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsuporta ng aking mga akda.

image

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Sa bawat kalungkutan ay may dalang pag-asa. Labag man ito sa kalooban ngunit ito ang nararapat para sa magandang kinabukasan.

  ·  6 years ago (edited)

Tama po kayo Sir... Lahat ng nangyayari at mangyayari pa ay may kadahilanan. Bawat sakuna ay may naghihintay na magandang bukas kaya huwag mawalan ng pag-asa. Laban lang.

Congratulations @chameh! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You made more than 1500 upvotes. Your next target is to reach 1750 upvotes.

Click here to view your Board of Honor
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard:

Trick or Treat - Publish your scariest halloween story and win a new badge
SteemitBoard notifications improved

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!