Word Poetry Challenge #13 : "Pilipinas" |My entry

in wordchallenge •  6 years ago  (edited)

pixlr_20180819173802053.jpg
Pinagkuhanan ng litrato


"PILIPINAS"
katha ni: Marigen aka @greatwarrior79


Mula hilaga hanggang kanluran,
Mula sa dakong silangan.
Ito ang bayan kong sinilangan,
Na puno ng kapayapaan
.


Iyong masasaksihan,mga magiliw na aking mga kababayan,
At kulturang aming pinagyaman.
Na di kayang ikumpara kaninuman,
Kung sa mabuting asal ang pag uusapan
.


Paggamit ng po at opo isa ito sa ipinagmamalaki ko,
Dahil ito ay pamana ng aming mga ninuno.
Paghalik at pagmano sa mga nakakatanda,
Isang kulturang pilipino na labis sa akin nagpahanga
.


Mga larong pinoy ay inyo ring makikita,
Sipa,patintero,at luksong baka ang mga bata ay tuwang tuwa.
Taguan,habulan at tumbang preso ay siya ring nakakatuwa,
Halos maligo sa pawis at basang basa
.


At isa pa sa aking ipinagmamalaki,
Kung sa pagkain,Pilipinas ay di pahuhuli.
Mayroon kaming sinigang at adobo sa sarap ikaw ay mapapatili,
Bulalo at la paz batchoy na tiyak di ka makakahindi
.


Magagandang tanawin sa aming bayan ay inyo ring matatagpuan,
Sa banawe ay mayroon kaming hagdang hagdang palayan.
Krus ni magellan at bulubunduking tsokalate sa dakong kabisayaan na aking pinagmulan,
Sa mindanao naman ay magagandamg paliguan at mga kapiyestahan
.


Ito ang aking bayang minumutya,
Puno ng kasaysayan at kultura.
Buong puso kong ipinagmamalaki,
Pilipinas ang bayan ko, at Pilipino ang aking lahi
!


Ito po ang aking akdang tula para sa patimpalak ni ginoong @jassennessaj, at sana po magustuhan ng ating hurado ang aking munting akda.😊 Maraming salamat po sa inyong pagbasa! Mabuhay po tayong lahat! Mabuhay lahat ng mga manunula!

Ang inyong manunula;
Marigen aka @greatwarrior79


greatwarrior79.png

gvlogoforfooter.png

DQmWhDkre5tzTuCvheN7YW8vAvMKR63r6zU6RUbfssLptHu.png

Note : Make Sir Terry aka @surpassinggoogle your witness:
If you have a spare vote, kindly vote "steemgigs" as witness by visiting ##### https://steemit.com/~witnesses typing "steemgigs" into the first search box for witnesses!
Should you want to make Terry do the voting decisions on your behalf, simply visit
https://steemit.com/~witnesses typing "surpassinggoogle" in the second box for proxy.

Vote also my witness; @cloh.witness; @ausbitbank; @good-karma and @precise

Screenshot_2018-04-24-17-02-41-1.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!