"Word Poetry Challenge #5". Tema : "Watawat ng Pilipinas" | Tagalog Edition

in wordchallenge •  7 years ago 

Hello mga Makatang Pinoy!

Nais kong ipahayag panibagong edisyon ng "Word Poetry Challenge" (Tagalog Edition), ito'y isang patimpalak na naglalayong maipakita ang kagandahan ng tulang nilikha ng ating kapwa kababayan at sila'y gantimpalaan sa kanilang bukod tanging mga gawa na inilathala sa Steem Blockchain.

Ngayon, nasa ikatlong edisyon na tayo ng naturang paligsahan na may panibagong tema para sa inyong mga entries.

"Watawat ng Pilipinas"

Ang patimpalak na ito ay ginagawa kada apat na araw para mas kapana-panabik para sa mga Pilipinong makata.

Paano Sumali sa Patimpalak na Ito?

"Watawat ng Pilipinas"

Simple lang, gumawa ng isang tula na tugma sa Tema para patimpalak na ito. Ang temang salita ay dapat maging pangunahing paksa ito sa iyong ginawang tula. Sa ngayon, ang ating temang salita ay "Watawat ng Pilipinas". Ang mga patnubay na ito ay dapat masunod para maging valid ang iyong entry.

Alituntunin | Panuntunan

  • Ang pamagat ng entry ay dapat : "Word Poetry Challenge #5 : Watawat ng Pilipinas"

  • Ang iyong unang tag ay dapat #wordchallenge

  • Ang entry sa paligsahang ito ay dapat Tagalog.

  • Ilagay mo sa comment section ang link ng iyong entry para maging valid ito.

  • Hanggang dalawa lamang ang maximum na entry sa paligsahang ito bawat user.

  • Lahat ng mga pinoy ay pwedeng makalahok sa paligsahang ito.

  • Ang nailathala ay dapat orihinal mong katha at hindi pa nailathala sa ibang sites (Automatic Disqualification kung mapatunayan)

  • Ang mga larawang gagamitin ay dapat orihinal o dapat maayos na nai-credit sa may-ari.

WP Tagalog.gif

Gantimpala

Winner - $10

1st runner-up - $5

2nd runner-up - $3

Ang deadline ng pagsumite ng Entries ay ngayong June 5, 2018 at 11:59 a.m. (UMAGA) (GMT +8). Ang mga huling mga naisumiteng entry ay hindi na tatanggapin.

Ang mga mananalo sa patimpalak na ito ay iaanunsyo sa June 5, 2018 (Sa Gabi) kasama na ang gantimpala sa mga mananalo.

Ang Ating Hurado ay si : @beyonddisability


Maraming salamat sa mga taong Sumuporta/Nagbigay Donasyon

@surpassinggoogle

Paano Sumoporta sa Patimpalak na ito :

  • Gumawa at magsumite ng entry sa patimpalak na ito.
  • I-upvote ang post na ito.
  • I-resteem ang post na ito.
  • Magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
  • Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord @jassennessaj#9609 o sa email [email protected]

Aasahan ko ang iyong Paglahok kabayan! :)

Ako'y lubos na nagpapasalamat kay @jason04 sa napakamatinding mga graphics design para sa paligsahang ito. Lubos ang aking galak sa iyong tulong, kabayan.

WP Tagalog.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
Loading...

Ito po ang aking katha. Salamat at hindi pa ako nahuli. Hayyyy 😥😥😥

https://steemit.com/wordchallenge/@nielfid/word-poetry-challenge-5-watawat-ng-pilipinas

Ito po ang aking Entry naway Inyong magustuhan ang aking pagkamalikhain. Maraming salamat Po sa pagawa nitong bukod tanging patimpalak. https://steemit.com/wordchallenge/@brapollo29/word-poetry-challenge-5-tema-watawat-ng-pilipinas

  ·  7 years ago (edited)

https://steemit.com/wordchallenge/@joco0820/word-poetry-challenge-5-watawt-ng-pilipinas

magandang araw po ginoong @jassennassaj ito po ang ilalahok ko. sana po ay hindi pa huli po
maraming salamat po :)

Ito ang aking simpleng entry sa chalenge na to.. Maraming salamat sa magbabasa...
https://steemit.com/wordchallenge/@amayphin/word-poetry-challenge-no-5-sa-temang-watawat-ng-pilipinas

ito po ang aking entry para sa paligsahang ito. Marami pong salamat sa ganitong pagkakataon. Mabuhay po tayo!
https://steemit.com/wordchallenge/@jerylmaeada/word-poetry-challenge-5-watawat-ng-pilipinas

  ·  7 years ago (edited)

Narito po ang aking entry para sa patimpalak na ito kabayang @jassennessaj. Mabuhay lahat ng makatang Pilipino!
https://steemit.com/wordchallenge/@spreadyourword/word-poetry-challenge-5-watawat-ng-pilipinas

Kabayang @jassennessaj ito yonh pangalawang entry ko para sa temang watawat ng pilipinas.
https://steemit.com/wordchallenge/@jumargachomiano/word-poetry-challenge-5-watawat-ng-pilipinas-entry-2

Narito po aking lahok at sana po ay magustuhan ng ating butihing hurado.😊

https://steemit.com/wordchallenge/@blessedsteemer/word-poetry-challenge-5-watawat-ng-pilipinas-my-entry

nabasa ko na po ito ..nadalawa kasi ng send :)

Marami na nmn sasali nito at lalabas na naman yung mga akdang tula na matitindi ang banat..salamat uli sa patimpalak na ito idol at ginoong @jassennessaj! Mabuhay po kayu!

Tamang tama eto para sa flag day ilang araw na ang nakaraan tapos independence day naman ngayong June. Good luck sa lahat!

@jassennessaj at @beyonddisability meron na po bang nanalo?

ipopost n lang po ni Sir Jassenn

Mabuhay mga makatang pilipino isa na namang tunggalian na ang tema ay ang ating bandila,anu pang hinhintay nyu sali na..