"Word Poetry Challenge #6". Tema : "Aking Ina" | Tagalog Edition

in wordchallenge •  7 years ago 

Hello mga Makatang Pinoy!

Nais kong ipahayag panibagong edisyon ng "Word Poetry Challenge" (Tagalog Edition), ito'y isang patimpalak na naglalayong maipakita ang kagandahan ng tulang nilikha ng ating kapwa kababayan at sila'y gantimpalaan sa kanilang bukod tanging mga gawa na inilathala sa Steem Blockchain.

Ngayon, nasa ikatlong edisyon na tayo ng naturang paligsahan na may panibagong tema para sa inyong mga entries.

"Aking Ina"

Ang patimpalak na ito ay ginagawa kada apat na araw para mas kapana-panabik para sa mga Pilipinong makata.

Paano Sumali sa Patimpalak na Ito?

"Aking Ina"

Simple lang, gumawa ng isang tula na tugma sa Tema para patimpalak na ito. Ang temang salita ay dapat maging pangunahing paksa ito sa iyong ginawang tula. Sa ngayon, ang ating temang salita ay "Aking Ina". Ang mga patnubay na ito ay dapat masunod para maging valid ang iyong entry.

Alituntunin | Panuntunan

  • Ang pamagat ng entry ay dapat : "Word Poetry Challenge #6 : Aking Ina"

  • Ang iyong unang tag ay dapat #wordchallenge

  • Ang entry sa paligsahang ito ay dapat Tagalog.

  • Ilagay mo sa comment section ang link ng iyong entry para maging valid ito.

  • Hanggang dalawa lamang ang maximum na entry sa paligsahang ito bawat user.

  • Lahat ng mga pinoy ay pwedeng makalahok sa paligsahang ito.

  • Ang nailathala ay dapat orihinal mong katha at hindi pa nailathala sa ibang sites (Automatic Disqualification kung mapatunayan)

  • Ang mga larawang gagamitin ay dapat orihinal o dapat maayos na nai-credit sa may-ari.

WP Tagalog.gif

Gantimpala

Winner - $10

1st runner-up - $5

2nd runner-up - $3

Ang deadline ng pagsumite ng Entries ay ngayong June 11, 2018 at 11:59 a.m. (UMAGA) (GMT +8). Ang mga huling mga naisumiteng entry ay hindi na tatanggapin.

Ang mga mananalo sa patimpalak na ito ay iaanunsyo sa June 11, 2018 (Sa Gabi) kasama na ang gantimpala sa mga mananalo.

Ang Ating Hurado ay ako : @jassennessaj


Paano Sumoporta sa Patimpalak na ito :

  • Gumawa at magsumite ng entry sa patimpalak na ito.
  • I-upvote ang post na ito.
  • I-resteem ang post na ito.
  • Magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
  • Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord @jassennessaj#9609 o sa email [email protected]

Aasahan ko ang iyong Paglahok kabayan! :)

Ako'y lubos na nagpapasalamat kay @jason04 sa napakamatinding mga graphics design para sa paligsahang ito. Lubos ang aking galak sa iyong tulong, kabayan.

WP Tagalog.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Kabayang @jassennessaj ito po yong entry ko sa bagong tema at sana'y inyong magustohan.
https://steemit.com/wordchallenge/@jumargachomiano/word-poetry-challenge-6-aking-ina

Ito na naman ako, di mapigilang di maka pagsumiti ng aking munting tula. Napakaespesyal naman kase ng tema kaya sege lang..
https://steemit.com/wordchallenge/@amayphin/word-poetry-challenge-6-aking-ina

hi! I upvoted your article, could you upvote mine also? Thank you
https://steemit.com/philippines/@antifake/philippines-will-be-the-next-victim-of-china-s-debt-trap

Mabuhay kabayan! Narito ang aking unang entry para sa temang ito.
https://steemit.com/wordchallenge/@wondersofnature/word-poetry-challenge-6-aking-ina

unang entry ko po, sanay bigyan nyo ng panahon sa pagbasa.
https://steemit.com/wordchallenge/@mrnightmare89/word-poetry-challenge-6-aking-ina

  ·  7 years ago (edited)

Can I submit my old poem na naipost ko na po sa steemit? @jassennessaj

Hindi na po sir @joco0820. Though ito'y orihinal mong katha, mapapansin po yan ng nakakarami lalo na kay @cheetah. gawa ka nalang ng bago :)

hahahha sige2 po. salamat po Ginoong @jassennessaj

Ito ang aking entry sa paligsahang ito sana ay inyong magustuhan
https://steemit.com/wordchallenge/@khylled24/word-poetry-challenge-aking-inaimages (16).jpeg

Narito po aking lahok ginoong @jassennessaj at sana po magustuhan nyo at manalo haha.😊😊😄

https://steemit.com/wordchallenge/@greatwarrior79/word-poetry-challenge-6-aking-ina-my-entry

Narito po ang aking entry kabayan @jassennessaj! Maraming salamat sa pagkakataong ito! https://steemit.com/wordchallenge/@spreadyourword/word-poetry-challenge-6-aking-ina

Magandang umaga kabayan @jassennessaj, sana po ay nakahabol ang aking entry.
https://steemit.com/wordchallenge/@cradle/word-poetry-challenge-6-aking-ina