"Word Poetry Challenge #8". Tema : "Tagpuan" | Tagalog Edition

in wordchallenge •  7 years ago 

Hello mga Makatang Pinoy!

Nais kong ipahayag panibagong edisyon ng "Word Poetry Challenge" (Tagalog Edition), ito'y isang patimpalak na naglalayong maipakita ang kagandahan ng tulang nilikha ng ating kapwa kababayan at sila'y gantimpalaan sa kanilang bukod tanging mga gawa na inilathala sa Steem Blockchain.

Ngayon, nasa ikatlong edisyon na tayo ng naturang paligsahan na may panibagong tema para sa inyong mga entries.

"Tagpuan"

Ang patimpalak na ito ay ginagawa kada apat na araw para mas kapana-panabik para sa mga Pilipinong makata.

Panibagong Tuntunin : Upang mabigyan ng pagkakataon ang ibang mga Steemians na manalo sa naturang paligsahan, ang mga nanalo bilang Champion at 1st runner-up sa Word Poetry Challenge #7 ay pwedeng magsumite ng kanilang entries (na bibigyan ng upvotes), ngunit bilang pagbibigay ng pagkakataon sa ibang Steemians na manalo, ay hindi pwedeng hirangin sa paligsahan ngayon.

Paano Sumali sa Patimpalak na Ito?

"Tagpuan"

Simple lang, gumawa ng isang tula na tugma sa Tema para patimpalak na ito. Ang temang salita ay dapat maging pangunahing paksa ito sa iyong ginawang tula. Sa ngayon, ang ating temang salita ay "Tagpuan". Ang mga patnubay na ito ay dapat masunod para maging valid ang iyong entry.

Alituntunin | Panuntunan

  • Ang pamagat ng entry ay dapat : "Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan"

  • Ang iyong unang tag ay dapat #wordchallenge

  • Ang entry sa paligsahang ito ay dapat Tagalog.

  • Ilagay mo sa comment section ang link ng iyong entry para maging valid ito.

  • Hanggang dalawa lamang ang maximum na entry sa paligsahang ito bawat user.

  • Lahat ng mga pinoy ay pwedeng makalahok sa paligsahang ito.

  • Ang nailathala ay dapat orihinal mong katha at hindi pa nailathala sa ibang sites (Automatic Disqualification kung mapatunayan)

  • Ang mga larawang gagamitin ay dapat orihinal o dapat maayos na nai-credit sa may-ari.

WP Tagalog.gif

Gantimpala

Winner - 5 Steem Dollars

1st runner-up - 3 Steem Dollars

2nd runner-up - 2 Steem Dollars

Ang deadline ng pagsumite ng Entries ay ngayong June 29, 2018 at 11:59 a.m. (UMAGA) (GMT +8). Ang mga huling mga naisumiteng entry ay hindi na tatanggapin.

Ang mga mananalo sa patimpalak na ito ay iaanunsyo sa June 30, 2018 (Sa Gabi) kasama na ang gantimpala sa mga mananalo.

Ang Ating Hurado ay si : @blessedsteemer


Maraming Salamat sa Sponsor ng Paligsahang ito

@donkeypong

At kay @surpassinggoogle na patuloy na sumusuporta sa mga gawa ng mga makatang Pinoy.

Paano Sumoporta sa Patimpalak na ito :

  • Gumawa at magsumite ng entry sa patimpalak na ito.
  • I-upvote ang post na ito.
  • I-resteem ang post na ito.
  • Magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
  • Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord @jassennessaj#9609 o sa email [email protected]

Aasahan ko ang iyong Paglahok kabayan! :)

Ako'y lubos na nagpapasalamat kay @jason04 sa napakamatinding mga graphics design para sa paligsahang ito. Lubos ang aking galak sa iyong tulong, kabayan.

WP Tagalog.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Wow! Isang napakalaking karangalan po ang maging isang hurado sa patimpalak na ito ni ginoong @jassennessaj! Salamat po sa napakalaking oportunidad na ito na isa ako sa mga pipili sa mga magagaling at batikang mga makata na lalahok sa patimpalak na ito. "Tagpuan" napakalawak na tema..at naway bigyan ako ng Panginoon ng talino upang mapili ko ang karapat dapat manalo! Goodluck po sa lahat!😊

Ito po ang aking entry sa edisyon na ito. Maraming salamat po. :)
https://steemit.com/wordchallenge/@oscargabat/word-poetry-challenge-8-tagpuan

Narito ang aking inilalahok sa iyong munting patimpalak. Muli salamat @jassennessaj..

https://steemit.com/wordchallenge/@reginecruz/word-poetry-challenge-8-tagpuan

Mapagpalang gabi po! Narito po ang aking akda para sa inyong #wordchallenge. Maraming salamat po!

Ito po ang aking lahok! Sana po magustuhan ng ating hurado.😊

https://steemit.com/wordchallenge/@greatwarrior79/word-poetry-challenge-8-tagpuan-my-entry

Ito naman ang akin. Yay! Goodluck sa ating lahat <3
This-adorable-5-year-old-girl-asked-for-to-marry-with-her-best-friend-before-a-complicated-surgery-5a056c3002727__880-1.jpg

https://steemit.com/wordchallenge/@neihy05/word-poetry-challenge-8-tagpuan

Magandang umaga! Makikisali po. Heto po ang entry ko:
Bakal na Upuan

magandang umaga :) ito po aking una lahok maraming salamat po :D
https://steemit.com/wordchallenge/@marizen/word-poetry-challenge-8-tagpuan

  ·  7 years ago (edited)

pasensorry sa pagiging first timer. eto po ang aking entry
https://steemit.com/wordchallenge/@johnpd/word-poetry-challenge-8-tagpuan

Ito po ang aking entry sa inyong patimpalak

https://steemit.com/wordchallenge/@annazsarinacruz/word-poetry-challenge-8-tagpuan

Salamat po! Mabuhay kayo!

Salamat sa patimpalak mo @ jassennessaj. heto ang aking lahok:
https://steemit.com/wordchallenge/@diosarich/word-poetry-challenge-8-tagpuan

Unang beses ko sasali sa kontes mo ka-tropa. Natuwa ako sa tema. More pawer. Eto ang aking entry:
https://steemit.com/wordchallenge/@jazzhero/word-poetry-challenge-8-tagpuan

Ito po ang aking orihinal na gawa para ilahok sa patimpalak na ito https://steemit.com/wordchallenge/@chameh/word-poetry-challenge-8-tagpuan

magandang gabi, ito po aking pangalawa entry :D maraming salamat po
https://steemit.com/wordchallenge/@marizen/word-poetry-challenge-8-tagpuan-ikalawang-entry

  ·  7 years ago (edited)

Hello po sa lahat. Ito po ang aking pangalawang entry https://steemit.com/wordchallenge/@chameh/d5ctx-word-poetry-challenge-8-tagpuan

Sana'y inyong magugustuhan. Maraming salamat po.

Pasubok ulit. 😊 Ito po ang aking entry sa edisyon na ito. Maraming salamat.
https://steemit.com/wordchallenge/@fherdz/word-poetry-challenge-8-tagpuan

ito ang unang pakikilahok ko sa isang patimpalak sana hoy magustohan ninyo

https://steemit.com/worldchallenge/@nathaniel1/tagpuan