Word Poetry Challenge #9 : Tema : "Maskara" Tagalog Edition

in wordchallenge •  6 years ago 

Hello mga Makatang Pinoy!

Nais kong ipahayag panibagong edisyon ng "Word Poetry Challenge" (Tagalog Edition), ito'y isang patimpalak na naglalayong maipakita ang kagandahan ng tulang nilikha ng ating kapwa kababayan at sila'y gantimpalaan sa kanilang bukod tanging mga gawa na inilathala sa Steem Blockchain.

Ngayon, nasa ikatlong edisyon na tayo ng naturang paligsahan na may panibagong tema para sa inyong mga entries.

"Maskara"

Ang patimpalak na ito ay ginagawa kada apat na araw para mas kapana-panabik para sa mga Pilipinong makata.

Panibagong Tuntunin : Upang mabigyan ng pagkakataon ang ibang mga Steemians na manalo sa naturang paligsahan, ang mga nanalo bilang Champion at 1st runner-up sa Word Poetry Challenge #8 ay pwedeng magsumite ng kanilang entries (na bibigyan ng upvotes), ngunit bilang pagbibigay ng pagkakataon sa ibang Steemians na manalo, ay hindi pwedeng hirangin sa paligsahan ngayon.

Paano Sumali sa Patimpalak na Ito?

"Maskara"

Simple lang, gumawa ng isang tula na tugma sa Tema para patimpalak na ito. Ang temang salita ay dapat maging pangunahing paksa ito sa iyong ginawang tula. Sa ngayon, ang ating temang salita ay "Tagpuan". Ang mga patnubay na ito ay dapat masunod para maging valid ang iyong entry.

Alituntunin | Panuntunan

  • Ang pamagat ng entry ay dapat : "Word Poetry Challenge #9 : Maskara"

  • Ang iyong unang tag ay dapat #wordchallenge

  • Ang entry sa paligsahang ito ay dapat Tagalog.

  • Ilagay mo sa comment section ang link ng iyong entry para maging valid ito.

  • Hanggang dalawa lamang ang maximum na entry sa paligsahang ito bawat user.

  • Lahat ng mga pinoy ay pwedeng makalahok sa paligsahang ito.

  • Ang nailathala ay dapat orihinal mong katha at hindi pa nailathala sa ibang sites (Automatic Disqualification kung mapatunayan)

  • Ang mga larawang gagamitin ay dapat orihinal o dapat maayos na nai-credit sa may-ari.

WP Tagalog.gif

Gantimpala

Winner - 5 Steem Dollars

1st runner-up - 3 Steem Dollars

2nd runner-up - 2 Steem Dollars

Ang deadline ng pagsumite ng Entries ay ngayong July 09, 2018 at 11:59 a.m. (UMAGA) (GMT +8). Ang mga huling mga naisumiteng entry ay hindi na tatanggapin.

Ang mga mananalo sa patimpalak na ito ay iaanunsyo sa July 9, 2018 (Sa Gabi) kasama na ang gantimpala sa mga mananalo.

Ang Ating Hurado ay si : @oscargabat


Maraming Salamat sa Sponsor ng Paligsahang ito

@donkeypong

At kay @surpassinggoogle na patuloy na sumusuporta sa mga gawa ng mga makatang Pinoy.

Paano Sumoporta sa Patimpalak na ito :

  • Gumawa at magsumite ng entry sa patimpalak na ito.
  • I-upvote ang post na ito.
  • I-resteem ang post na ito.
  • Magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
  • Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord @jassennessaj#9609 o sa email [email protected]

Aasahan ko ang iyong Paglahok kabayan! :)

Ako'y lubos na nagpapasalamat kay @jason04 sa napakamatinding mga graphics design para sa paligsahang ito. Lubos ang aking galak sa iyong tulong, kabayan.

WP Tagalog.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Good luck guys!

Maraming salamat po :)

Isang malaking karangalan ang maging isang hurado ngayong edisyon. Salamat sir @jassennessaj. At sa mga sasali, goodluck po sa inyo. 😊

Ito po yung pangalawang entry ko boss salamat po. https://busy.org/@chrismadcboy2016/6mzefd-word-poetry-challenge-9-maskara

  ·  6 years ago (edited)

Uy waw. Maganda yan. Pwede salihan... Mas maiksi para d mahirap gawan ng kwentong minsan sinasalihan ko. Haha.

(Sino p b ibang curator ng Tagalog posts dito? Haha. Naghahanap ako e. 😂)

Tama tama :). Nasasabik akong makita ang iyong entry kabayan :)

Nako ayan na yung pang malakasan natin sa tagalog hahaha

Posted using Partiko Android

Uy wala p nga ako nagagawa. Napagod ako gumawa nung part ng short story ang haba eh. Hahaha. Tas olats s upvote. Boom ganern tlga wla pang matinding tga-boto ng Tagalog posts. Hahaha.

Awtsuuu hinay hinay lang hahaha sipag mo mastado pero worth it naman ung mga posts mo hehe

Posted using Partiko Android

Huhu. Pera kasi need ko pera! Hahahaha.

Posted using Partiko Android

Hahahahhaa kailangan nating lahat yan

Posted using Partiko Android

Mukang magiging kapana-panabik ang ika-9 na tema para sa linggong ito... ating pag igihan at gawing masaya ang naturang patimpalak ni ginoong @jassennessaj

Ito po ang aking entry nawa'y inyong magustuhan :) https://steemit.com/wordchallenge/@brapollo29/word-poetry-challenge-9-maskara

magandang gabi po ito po ang aking lahok
https://steemit.com/wordchallenge/@shirleynpenalosa/word-poetry-challenge-9-maskara
maraming salamat po.

Narito po ang aking lahok sa patimpalak ni ginoong @jassennessaj at sana magustuhan ng ating huradona si @oscargabat ang aking akda.😊

https://steemit.com/wordchallenge/@blessedsteemer/word-poetry-challenge-9-maskara-my-entry

https://steemit.com/wordchallenge/@dyinkfinity/word-poetry-challenge-9-maskara Magandang buhay!! Ito na po ung entry ko. Yeey!!

Posted using Partiko Android

Narito po aking lahok , sana magustuhan ito ng ating hurado.😊

https://steemit.com/wordchallenge/@greatwarrior79/word-poetry-challenge-9-maskara-ang-aking-lahok

ito po yong entry q sa patimpalak na pinamagatang maskara.. parsenxa ngayon ko lng nailagay ang link dito.. nkalimutan ko po.. salamat.. good luck guys..
https://steemit.com/wordchallenge/@febemarie25/word-challenge-poetry-9-maskar

Magandang umaga! Sana’y inyo ring mabasa ang aking tula:
https://steemit.com/wordchallenge/@nicamblc/word-poetry-challenge-9-maskara
Maraming salamat! :)

Magandang araw po, ito po ang aking original na akda.
https://steemit.com/wordchallenge/@mhelrose/word-poetry-challenge-9-maskara

Hello, I am new at Steemit at nakita ko ang word challenge na ito. I want to give it a try. Kindly check my link for para sa patimpalak na ito. Thank you.
https://steemit.com/wordchallenge/@torania/word-poetry-challenge-9-maskara

ETo po ang aking lahok sa patimpalak...goodluck po sa ating lahat..❤

https://steemit.com/wordchallenge/@reginecruz/word-poetry-challenge-9-maskara

pangalawang entry ko po...sana makahabol thank you po :-D