Simbahan
Mula umaga, abotin man ng gabi
Sa paglalaro ng bahay bahayan at takbohan
Tayo'y naging matalik na kaibigan
Palagi mo akong binibigyan ng barya
Sabay kakain ng chichirya
O! Ang sarap balikan, ang saya
Nong hayskul ang seksyon nati'y magkaiba
Ikaw pa'y nagtampo't nagluksa
Pero kahit ganon sabay parin sa pag - uwi
Panay ang aking iyak habang tanaw kita sa layo
Ubos ang luha nating dal'wa sa kakaiyak
Pero kailangan, pupuntahan kita doon 'yon ang aking balak
Palaging umiiyak at natutulog sa kama
Binigay ko nalang ang lahat ng oras sa pag - aaral
Para makalimutan ang nakaraan nating asal
Ginawa ko ang lahat para di makapos
Pero ang unang tanong ko sa aking sarili
"kumusta na kaya siya?" tapos pinilit ang sarili na mawili
At ako'y nakapag pundar na
Parang nakita kita, "bumalik ka na ba?"
Tinawag kita at ika'y lumingon sakin banda
Yinakap mo ko at ganon din ang ginawa ko sayo
At tumigil ang mundo ko nong pinakilala mo si "ethan"
Kita sa iyong mga mata ang tuwa na iyong nadarama
Parang ang puso'y nagbabaga
Pilit kung ngumiti sa inyong harapan
Bumalik na naman ang sakit nong ako'y una mong iniwan
Kinuha mo akong "groom's men" sa inyong kasalan
Sakit man sa aking kaluoban
Pero tinanggap ko ito, walang personalan
Umuna ako sa simbahan para magdasal
At nagsimula na ito sa hudyat ng musika
Lahat ng tao'y pumalakpak ng makita ka na parang manika
Habang ang luha ko'y aking buhat
Tumingin ka sa akin habang naluluha sa tuwa
Habang ako'y nakatingin sayo, puso'y nagwawala
Ang nais kong mangyari sa aking buhay
Mula sa bahay bahayan patungo sa totoong bahay
Kasal kasalan patungo sa totoong kasalan
At ako bilang iyong kasintahan
At akin nalang kukulayan
Para kahit sa drawing man lang tayo ang magkatuluyan