Word Poetry Challenge #5 : Watawat ng Pilipinas

in wordchallenge •  7 years ago 

Eto na po ang aking tula na isinulat para lamang sa kompetisyon na ito!

"Watawat ng Pilipinas"

Sa kalagitnaan ako ipinanganak
Ang mga katawan ng mga bayaning naghirap ay siya nang naitulak sa malalim na hukay
Nakadapa na si bolo
Naiwan sa bilangguan si pluma
Ang tangi ko na lamang kasama ay si bangko
Na siyang nag tuturo sa mga dapat gawin ng mahal na Pangulo
At lumabas na nga ako
Nakangiti
Winawagayway sa harap ng mga tao
Ginagamit upang magkunwari
Ang kalayaan ay hindi pa natin nakamit
Ako ang watawat ng Pilipinas
Isang payasong nakangiti
May kinukubli
Subukan mong baliktarin at paglaruan
Mag-uumpisa ang digmaan
Ang kaguluhan
Kaya't huwag niyong susubukan
Lapastanganan
Dahil ako ang sagisag ng bansang nakipaglaban, nagbuwis, nag-alay para lamang palayain ang bayan
O, aking mahal na Pilipinas
Nasa mga museo na ang aking mga kasama
Marahil marami na akong replika
Sa mga matataas na gusali, eskwela at sa mga lapida ng mga bayani
Ngunit 'wag ninyo sanang kalimutan ang aking tunay na kahulugan
Ang aking angking diwa na tapang, talino, pagpupursige't kalayaan
Ako ang watawat ng Pilipinas
Patuloy na haharap sa sangkatauhan
Upang bumalik ang kasaganahan ng mga tao na ipaglaban ang ating lupang tinubuan


Ang litrato pong ito ay aking likha
image


SANA PO AY INYO ITONG NAGUSTUHAN! MAAARI NIYO PO ITONG I UPVOTE O I RESTEEM KUNG LUBOS NIYO PO ITONG NAGUSTUHAN.

Salamat sa gumawa ng napakagandang kompetisyon na ito na si @jassennessaj . Nawa'y ipagpatuloy niyo po ang mga ganitong adhikain!

~Jesus Miguel Ofalsa

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Salute!

THANKS FOR APPRECIATING MY WORKS! :)

whoa, makatindig balahibo. Pinagsalita mo ang bandila
Iba to
maraming salamat po sa pagsali
good luck

SALAMAT PO! Kayo po ang judge diba? Salamat po sa pag appreciate

pansamantala pong hurado sa temang ito :)
wala pong anuman
aylabit.
pakiramdam ko marami pa kayong nais sabihin pero pinutol nyo lang po

Salamat talaga sir! Opo sir sa susunod ulit na magkaron ng ganitong paligsahan sasali muli ako! Sana po ay manalo ako! Kung hindi man po ay sana nalang po mapili niyo po talaga ang karapatdapat!

amen. hehe

Ang galing nito! Ngayon palang ako nag cu curate para sa mga entry ng patimpalak at masasabi ko na napakahusay ng ideya nito.

Sana po magkaroon din kayo ng Spoken Word na upload dito sa steemit

Salamat po sa pag appreciate ng pyesa ko! Video po ba meaning niyo? Ano po itong link na sinend niyo? Nagre resteem po ba kayo ng kahit anong tagalog?

hello po dibale Tagalog Curator po ako nga @tagalogtrail at @c-squared dibale sa Tagalog Trail po nag reresteem po kami ng mga post na nasa wikang Tagalog tapos nag upvote din pwede mong tignan tong post namin para malaman ang proyekto pong ito Ito po ang na ito Tagalog Trail: Curation for Filipino Works

Yung @c-squared naman bagong proyekto po ito ng curation din :)

Pwede pong video or kahit sounds po ay pwede din. Maraming apps po sa steemit na pwede nyong gamitin din para diyan :)

Nag re resteem at upvote po parehas? Written lang po yung isa tas yung isa po is vid or record? Ooooh mayron po bang tag na dapat dyan? Ikinagagalak ko nga po pala kayong makilala sana po ay lalo ko pa po kayong makilala!


Hello @jemio-art! Ang akdang ito ay napili sa aming ika-58 na edisyon ng @tagalogtrail. Patuloy lang po tayong lumikha ng magagandang akda sa wikang Tagalog

Upvoted and resteemed po ang inyong post.

Kung ikaw ay may discord app maari mo kaming bisitahin doon para makilala pa kami at ang ibang manunulat sa wikang Filipino :)
Narito ang link ng aming discord Tropa ni Toto.

Grabe, isang maalab na tula. Nakakapukaw talaga ng pagka-makabayan. Karapat-dapat na panalo :D

MARAMING SALAMAT KABAYAN! ITAAS ANG BANDILA NG PILIPINO!


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Maraming salamat poooooo

napakagandang tula at lalo na nung nilagyan m pa ng sarili mong artwork..eto ung naging plus mo...sana ay gumawa pa kayo ng orihinal na komposisyon at punuin ntin ng dekalidad na post ang Pinoy community... dahil sa inyong mga nagsisipaglabasan na lumilikha ng ganitong akda tlga namang masasabi nmin na unti-unti kaming nagtatagumpay sa adhikain nmin na mawala sa mga pinoy steemians ung mema post

MARAMING SALAMAT PARA RITO KABABAYAN! ATING ITAAS ANG ATING BANDILA! ILABAS ANG TALENTO!