"Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas"

in wordchallenge •  7 years ago  (edited)

Instasize_0511203117.jpg
Pinagkunan nga larawan

Bata pa lama'y inibig na kita,
Dahil sa lantay at kislap ng yong mga mata.
Araw gabi tayo'y magkasama,
Walang oras na hindi ikaw ang nasaking ala-ala.

Pitong taon, sa klase unang nagkatabi.
Lahat ng bagay sayo ay aking nasasabi.
Sabay maglaro hanggang sa pag-uwi.
Ang ating samahan ay hindi mapapati.

Lumipas ang maraming taon
Isang araw ako'y yong tinanong
"Ako ba sa iyo'y magpagkakataon?"
Balintuna at hindi makapaniwala;
Ako'y napailing sa sabik at tuwa,
Hindi mawari ang nadarama.

Mundo ko'y iyong nakompleto;
Nararamdaman sa isa't-isa'y tunay at totoo.
Hindi naman sa ako'y hidhid;
Ngunit pagdating sayo'y mababatid,
Na ikaw lamang wala ng iba,
Ang mamahalin ko sa tuwina.

Isang araw nagpaalam ka,
Sabi mo papasok ka na sa pabrika.
Pahabol kitang sinabihan,
"Mahal, anong nais mong kainin sa haponan?"
Ngumit ka at sinabi mong,
"Basta luto mo mahal,kakainin ko kahit ano pa yan."
Di ko namalayan ako'y napangiti,
Napakatamis na salita ang nagmula sa iyong labi.

images(18).jpg
Pinagkunan ng Larawan

Pagsapit ng dapit-hapon,
Sa batalan ako'y naroon.
Nang biglang tumunog ang hatinig,
Malinaw at malakas kong narinig,
May prabika daw na nasunog,
Dyosko! Nandun ang aking ini-ibig.

Kumaripas ng takbo,
Hindi lang ang binti pati na ang puso.
Dali dali'ng nagtungo,
Sa lugar na napakadaming tao.
Natupok ang napakalaking gusali,
Pati nga ang pusong iyong pag-aari.

Sa malayo'y merong nabanaag,
Ang puso ay biglang kumarimpag,
Mahal! Wag naman sana,
Na ikaw ang aking makikita.
Anaki itoy aking balintawtaw lamang,
Nanlumo sa aking nasilayan;
Na ang mahal ko ay wala ng buhay;
At hawak hawak sa kanyang kamay,
Ang lumang gintong kwintas,
na naglalaman ng aming larawang kupas.

Maraming salamat sa pagbasa. Ito ang unang bese na gumawa ako ng ganito kahabang tula, marahil nararapat lamang ito sa prestehiyosong patimpalak na ito na pinangulohan ni @jassennessaj, maraming salamat po. Sana ay tangkilikin po ninyo ang orihinal na gawa ko. :)

Nagmamahal,

Maye

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

ang galing po ng pagkagawa, mag.uuwian napo kami kasi may nanalo na. clap emoji

Walang makakatalo sa iyo ginoo,
pagkat larangan mo na ito.
ako'y bagohan palamang ,
kumpara sa iyo'tila ay mangmang.
salamat sa iyong papuri,
sa king labi ito'y nagbigay ngiti.
HHHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHHAHAHAHAHA KBYE