Word Poetry Challenge #3: Gintong Medalya

in wordchallenge •  6 years ago 

IMG_20180523_182604.jpg

Ano nga bang halaga?
Kung sa isang tingin mo lang parang walang kwenta.
Gintong medalya napasaakin na.
Napasaakin na dahil sa matyatyaga.

Matitiyang magsunog ng kilay.
Para aking iaalay kay itay at inay.
Minsan mang napahamak ang aking buhay.
Tutuloy parin kahit na magkapilay.

Inay at itay ito na ang gintong medalya.
Di man ito ginto na pwedeng maipangsakla.
Ginto naman ito ng aking dugo't luha.
Na aking maipagmamalaki hanggang ako'y tumanda.

Itong tulang ito ay orihinal kong gawa at sana'y magustuhan nyo ang maikli kong akda.😊
Kuya @jassennessaj sana po ito'y inyong mabasa 😊

IMG_20180522_233312.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!