"Word Poetry Challenge #7 : Simbahan"spreadyourword (42) in wordchallenge • 7 years ago (edited) Pinagkunan ng Larawan: @spreadyourword "Simbahan" Sa isang sulok ako’y tahimik na nakaupo Habang mga mata ay nakatingin sa malayo Nakalutang ang buong isipan Ni hindi malaman kung anong dahilan Ipinikit ko ang aking mga mata at nagdasal At humiling na lamang sa Maykapal Ngunit sa aking paglingat ikaw ay aking masulyapan Para bang bumukas ang buong kalangitan Biglang nagliwanag ang dating madilim Agad nagbunga ang pagdarasal ko nang taimtim Ang matulala sa iyo ay hindi ko maiwasan Sa bawat oras na ikaw ay aking masilayan Marahil ay sa angkin mong kagandahan Habang ikaw ay nakaupo sa aking harapan Umuwi akong di maipinta ang mukha Sapagkat pangalan mo’y ‘di ko man lang nakuha Subalit tadhana ay sadyang mapaglaro Landas natin ay muling pinagtagpo Yung akala kong ako’y tuluyang mabibigo Pero pagtingin ko sayo ay hindi ko isusuko Hindi tulad ng kanyang mga pangako Walang nangyari, lahat ay napako Tadhana ay di ko hahayaang ako’y muling paglaruan Ngayon ay buong puso kitang ipaglalaban Sisiguraduhin kong hindi kita sasaktan Dahil plano ko na ikaw ay pakasalan Sa simbahan kung saan kita unang nasilayan wordchallenge surpassinggoogle pilipinas steemph steemgigs
Wow! I'm speechless.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Speechless? Hahahaha Remember how we first met and where?
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Yeah, yeah yeah.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit