"Word Poetry Challenge #3":GINTONG MEDALYA| My Entry #2


source

Dumating na ang araw na pinakahihintay
Ang pagtatapos nang isang yugto ng buhay
Mga pinag hirapan ay magbubunga na
Sa Isang araw na puno ng "paalam na"
Dahan dahan na maglalakad
Kasama ang aking magulang na naging dahilan
Magulang na nagsilbing daan
Sa mundong aking kinagisnan
Heto na, hawak ko na
Ang sertipikong may pangalan
Tanda nang aking pagtatapos
Magpasalamat sa taong nagpakagapos
Pero teka bakit biglang nalungkot?
Nung makita ko ang GINTONG MEDALYA?
Bakit walang nakasabit sa aking leeg?
Bakit parang kulang ang sertipikong hawak?
"Magiging masaya sana sila,kung may medalya akong dala dala"
Alam ko magiging masaya sila
Pero bago ako nilamon ng kalungkutan
Tinignan ko sila, mata sa mata
Nakita ko ang sagot na
"Anak, masaya ako kahit wala kang medalya,mahal kita at salamat nakatapos ka na"
Nawala ang lungkot sa aking isipan
Napuno ng ligaya ang puso
Sila ang numero uno na nandyan lagi sa tabi ko
Ang medalya ay medalya
Nakakapagbigay saya
Pero hindi matutumbasan ang pagmamahal ni ina't ama
Masaya sila, kahit walang medalya
Alam mo kung ano ang gintong medalya para sakanila?
Hindi iyong isinusukbit
Dahil ako, ako ang gintong medalya na kanilang sinasambit
"Anak ko, ikaw ang gintong medalya ng buhay ko"


thank you for dropping by!!!!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations @ahna8911! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your Board of Honor.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last announcement from @steemitboard!

Do you like SteemitBoard's project? Vote for its witness and get one more award!