Tagalog Poetry #2 : Pamilya

in wordpoetry •  6 years ago 

image

Pamilya

Sila ang gumagabay sa'kin mula pagkabata
Nagbigay lakas at naging mabuting impluwensiya
Inspirasyon ko sa buhay at karamay sa bawat problema
At minamahal ko ng sobra


Sa buhay sila'y laging nakasuporta
Kaya ako'y inspirado na gumising sa umaga
Lahat nang aking ginagawa at gagawin pa
Ay para sa aking mahal na pamilya


Lagi nila sa akin pinapa-alala
Na wag gumawa ng mali, dapat ay tama
Payo ni Ina, Ama, Ate't Kuya
Para maging isang mabuting dalaga


Nand'yan pa si Lola na strikta
Sa pagkat ako ay lubos na mahal niya
Mahalaga ang mga payo nila
Dahil ang kinabukasan natin ay sila


Ngiti nila'y masarap sa mata
Para bang kumakain ka nang mainit na tinola
Ngunit masakit din pala talaga
Kung nakikita mo silang nagka-problema


Mahalin natin ang ating Ina't Ama
Kahit ano pa ang pagkatao nila
Dahil wala ka kung wala rin sila
At pagmamahal nila ay hindi mapapantayan kahit sino pa


Kaya ikaw na nagbabasa nito sinta
Sana ay pahalagahan mo ang iyong pamilya
Dahil sila ay laging handa na pu-protekta
Kung ikaw ay nasa gitna nang giyera


Biniyayaan ka ng Diyos ng isang PAMILYA
Na sa'yong-sa'yo lang talaga
Maging masaya ka sa t'wina
Hanggat nandyan pa sila, wag mong pabayaan sana


Maraming salamat po mga kaibigan sa walang sawa ninyong suporta sa aking mga akda. Sana'y inyong nagugustuhan at nagsilbing inspirasyon sa buhay ang mensahe ng aking tula.

Hanggang sa susunod...
image

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!