Word Poetry Challenge #13 : "Pilipinas"

in worldchallenge •  6 years ago 

FB_IMG_1534310077957.jpg
"Pilipinas"

Narito rin naman ang masamang gawa, na ikaaamis ng puso't gunita. Sa iyong kandungan tinubuang lupa, pawang nalilimbag ang lalong dakila. Na pawang naghandog ng galak sa akin, ay inaruga mo bayang ginigili. Ang kamusmusan ko kung alalahanin, halaman at bundok yaman at bukirin.

Luhay ikinublit ng di mabalisa, ang inandukha mong musmos kung ligay. Ipinaglihim mo na akoy bata pa, ang pagdaralitang iyong binabata. Magagandang nasay tinipon sa dibdib, pagtulong sa iyo, bayang iniibig. Ngaying lumaki ng loobin ng langit, pilipinas maanyong bahagya yaring pag-iisip.

Sa kaalipinan moy wala nang nahabag, gayong kayraming pinagpalabg anak. Ngayon na nga lamang, ngayon ko natatap ang pagdakusta pilipinad kung mahal. Samantalang ikaw, pilipinas bayang iniibig, ay hapung-hapo nat putos nang gulanit. Sa agos nang iyong dugo ipinawis, marami ang dukhang agad nagsikimis.

Na siya na dapat na magbigay dangal, bagkus ai siya pang kinututyang tunay. Santongbmatuwid mo ay iginagalang, ng diyos na lalong makapangyarihan. Sapagkat nakuhang naipaaninaw. Na sito na ang pusoy di na kailangan. Ngunit mabuti rin at napupurihan, sa paghahari mo itong pamamayan.

Ang pilipinas kung mahal, ubod ng likha at dalita. At sa aking adhika makita kang sakdal laya. Parang ibon man may layang lumipad, malayang mamamyan ng pilipinas.

Salamat
@dcrealynSteem-Minnow-Food.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!