Word Poetry Challenge-10 "Pagsubok"

in worldchallenge •  6 years ago 

"Pagsubok"

Ipinapakita sa iba na siya ay matatag, kahit ang puso ay hindi na kaya ang bigat. Masakit mahirap ang kaniyang pinagdaraan, pilit ngumingiti sa harap ng karamihan.

Matalik na kaibigan siya ay pinabayaan, sa nadarama niya ay wala ng pakialam. Hindi na malaman kung sino ang tunay na kaibigan, dahil ang iba ay nagbabalat kayo nalang.

Ang muling nagparamdam naghatid ng balita, na sa nadarama niya ay makasakit ng lubusan. Ngayon kasintahan na noon siya ay iniwan, sa kadahilang hindi niya alam.

Ngunit batid ng kaniyang puso't isipan, na hindi siya pababayaan ng ama sa kataas taasan. Hirap at "pagsubok" pagdurusa ang kaniyang nararanasan, hindi alam kung papaano niya ito malalagpasan.

Malalagpasan mo rin lahat ng pagsubok, lagi mong tatandaan nandito lang ako laging gumagabay sayo.

Salamat po
@dcrealynSteem-Minnow-Food.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!