PowerUp Post: "Paunlarin ang Kakayahan sa Pagsusulat"--AudiencesteemCreated with Sketch.

in writing •  7 years ago 

Naiintindihan ba natin o alam ba natin kung sino ang ating mga tagapakinig o mga mambabasa kapag tayo nagsusulat? O baka nakatuon lang talaga yung atensyon natin sa ating sinusulat?

ZomboMeme 21092017190706.jpg

Paguunawa sa mga mambabasa

Minsan, nakakalimutan natin ang tungkol sa ating target na mga mambabasa at kung sino sila at kung gaano sila ka importante sa ating pagsusulat. Bilang isang manunulat, isang napaka importante na bagay ang paguunawa at kaalaman ang kilalanin ang iyong mga tagapakinig. Dahil sila na napaka importante, ay mahalaga rin sa iyong sinusulat.

U5dsNeZRcpAnaiw9FQHKWKoC9qe5ZDB_1680x8400.jpg
Image credit

Ang iyong mga mambabasa o mga tagapakinig ay sila yung direktang pinupunterya ng iyong gawa. Laging tandaan na iba iba ang mambabasa mo, kaya dapat iba iba rin ang stilo o pamamaraan ng pagsulat mo. May mga mambabasa na mga bata, mga propesor, mga magulang o mga kaibigan.

Bakit sila ang napaka importante sa iyong sinusulat? Para malaman mo kung gaano sila kahalaga o bakit sila mahalaga, dapat unawain mo sila. Sa makatuwid, kapag alam mo kung sila ang mga tagapakinig mo at kung paano sila tumutugon, malalaman mo rin kung paano mo isusulat o ibabahagi ang iyong gustong sabihin.

Sa malalimang paguunawa nito, malalaman mo rin kung ano ang impormasyon na ibibigay mo sa mga mambabasa mo o kung gaano karami ang ibibigay mo. Lalo na sa madetalyeng impormasyon, diskripsyon at ang pinili mong mga salita na madetalye, mga karakter at marami pang iba. Itanim sa isipan na ang iyong mga mambabasa ay bumabasa para may matutunan galing sa iyong gawa. Sa pagsusulat, tanungin mo ang iyong sarili kung ano ang mga dapat matutunan ng iyong mga mambabasa.

Bago mo unawain ang iyong mga mambabasa, dapat malaman mo muna kung sinu-sino sila. Maraming mga halimbawa, at ito ang mga iilan sa kanila:

  • Edad
  • Kasarian
  • Edukasyon
  • Stado sa Buhay
  • Paniniwala

Pagkatapos mong makilala at madiskobre kung sinu-sino sila, alamin mo kung anu ang kanilang mga uri na nakasaad sa ibaba:

  • Mambabasa na kulang ang alam o walang alam
  • Mambabasa na sakto lang
  • Mambabasa na may maraming alam
  • Mambabasa na dalubhasa

Tanungin mo ulit ang iyong sarili pagkatapos at linawin ng maagi ang pinili mong mambabasa:

  • Ano ang kailangan ng mambabasa, gusto at halaga?
  • Ano ang pinaka importante ng iyong mga mambabasa?
  • Ano ang gusto mong isipin nila, matutunan o gustong angkinin?

Dapat organisado ang iyong ginagawa. Nakakatulong ito para masunod at
maintindihan ng iyong mga mambabasa ng maayos.

Nandiyan ang iyong mga mambabasa para tumulong sa iyo!

U5du5JAtNDrzJmkWgDRYHmBzyopFo4z_1680x8400.jpg
Image credit


This is a translated post of @dragonslayer109's series of "Improve your writing". Translating it to Filipino makes it more comprehendable for Filipinos and will be very helpful for them in writing Filipino articles and blogs.

Thank you @dragonslayer109!


New-Animation-1.gif

🎶Kung pinoy ka, sigaw na! Kung mga gawa mo'y maganda, sigaw na! Kaya wag kalimutang i-follow ang @bayanihan, para ikaw ay sumaya!🎶

Follow-Me-(Looped).gif


Follow @steemph.cebu if you're from Cebu and together, let's put up a big community of steemians! Helping each other, grow with each other and succeed together!

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Nice image credit...