"Hinay-hinay" by:ISBN

in 7 •  7 years ago 

Mahirap ba akong magustuhan mo?
Bakit sa lahat ng paglapit ko,iyon iyong paglayo mo?
Mahirap ba talaga?
Bakit mo ko tinataboy?

Ano ako asong gala?
Para ito'y katakutan mo o sadyang pinapakilig mo lang ako?
Kaibigan kong crush,pangit ba talaga ako?
Huwag ka namang paasa para walang assumera

Mga salita mong masasakit aking tanggapin
Dahil dito tayo'y nagsimula sa pagpansin
Pero sana dahan-dahan karin minsan
May nasasaktan kang damdamin

Pero lahat naman ng iyon napapawi
Pag ikaw ay nakakangiti
Alam ko,ako'y malandi
Pero ito'y diko mapigil

Kaibigan dahan-dahan
Sa iyong kilos,may tanga
Nagpapauto sa iyong katauhan
Wala namang madudulot na tama

-2:00pm
March 23,2018
Friday

Pagpasensyahan tung tulang to na walang kakwenta-kwenta o walang kahugot-hugot ang pyesa wala kasi sa kondisyon utak ko sa pag-iisip ngayon.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!