Anak Ka Ng Ama Mo

in anakkangamamo •  6 years ago  (edited)

Ito ay akda ng isang Ama sa kanyang Ama.

Ako ay lumaki ng may hinanakit sa aking Ama sa ilang mga kadahilanan.

Unang-una naranasan ko sa kanya ang sakit sa tuwing napapalo niya ako ng sinturon. Halos dumating sa oras na ang latay ng aking binti ay parang sumali sa isang fraternity na katatapos pa lang ng hazing. Makailang beses din ako umiyak at nasubukan na rin maglayas ng dahil lang sa palong malupet.

Lumaki ako na halos di ko siya nakakasama dahil gabi na siya kung umuwi. Sobrang limitado ang oras niya sa akin. Makakasama ko lang siya tuwing sahod, kasama ang mama ko at sabay-sabay kaming namamalengke, at pagkatapos mamalengke ay kakain kami ng lugaw na may itlog. Mahal kasi yung may laman.

Masyadong mahigpit ang tatay ko. Dapat paglubog ng araw ay nasa loob na ako ng bahay. Kung sakaling lubugan ako ng araw sa labas ay siguradong palo nanaman ito.

Wala pa kaming kuryente nun at tanging gasera lang ang ilaw namin. Kaya, madalas ako nakikinuod ng TV sa kapitbahay. Yung mga cartoons sa umaga at yung mga action sa hapon. Yung sa umaga pag summer lang pero yung sa hapon inaabutan ko pa pagkatapos ng klase. Minsan nanonood ako ng Power Rangers, di ko namalayan wala na pala si haring araw. At ayun sa kangkungan nanaman pinulot ang kawawang @palaboy. Pero matigas talaga ang ulo ko at makailang beses rin nangyari na napalo ako dahil nilubugan ako ng araw sa labas.

Nung ako’y naghayskul ay bumili siya ng bisikleta para may magamit papuntang skul. Halos 2 kilometro rin kasi ang nilalakad ko. (Papunta pa lang ng skul yun.) Sa kasamaang palad ay nadisgrasya ng mga barkada ko yung bisikleta at wasak na wasak ito. Sobrang galit-galit ang tatay ko. Halos muntik niya nang maihampas sa akin yung buong gulong kasama yung rim. Buti na lang andun yung lola ko na pumigil sa kanya para di niya maituloy yung paghampas niya sa akin.

Yun ang pinakamasakit sa lahat ng naranasan ko sa kamay ng aking ama nung hayskul ako. Sobrang sama talaga ng loob ko. Habang umiiyak ako ay pabulong kong minumura at sinusumpa ang tatay ko na mamatay na.

Isa pang karanasan sa bisikleta ay yung, nagkolehiyo na ako. Naiwan ko yung bagong bisikleta ng walang kandado at ito ay nananakaw. Sobrang galit nag alit nanaman ang aking ama pero nagtaka ako, hindi niya ako pinalo sa pagkakataon na yun.

Habang nasa kolehiyo ako sobrang naiinip siya sa pagaaral ko. Gusto niya na akong maghanap ng trabaho kagad. Nasasayang lang dw yung matrikula (galling sa tita ko) at yung baon na binibigay niya. Eh halos pamasahe lang binibigay niya at kelangan ko pa umuwe pag kelangan ko kumain.

Dahil sa pagmamadali niya na magtrabaho ako, ay inutusan niya kong pumunta ng Maynila papunta sa tita ko. Akala niya pumunta ako ng Maynila, Pero nung nalaman niya na nasa kabilang siyudad lang ako ng probinsya ay ito lang ang kanyang sinabi, “Natuto siyang umalis ng bahay, matuto siyang bumalik”. Nung nalaman ko ang mga katagang ito mula sa aking ama ay napamura talaga ako. Sa isip-isip ko hindi talaga ako mahal ng tatay ko at ampon lang talaga ako.

Lumipas ang panahon. Pagkatapos ng ilang buwan ng paglalayas ay pumunta na ako ng Maynila at tumira sa tita ko. Habang ako ay nagpalaboy laboy ang dami-dami kong taong nakasalamuha. Iba-ibang klase ng tao. Mahirap at mayaman at lahat ng klase ng adik (oo iba iba sila haha). Marami akong naging kaibigan at marami din akong nasaktan.

Sa pagdaan ng mga araw, buwan at taon. Sa lahat ng mga challenges sa buhay na nalampasan ko. May mga bagay akong napagtantu. Paanu ko nagagawang mabuhay ng independent? Paanu kong nagagawang makibagay sa iba’t ibang klase nang tao? Paano kong nagagawa na mamuhay ng magisa?

Bigla kong naalala ang aking Ama. Nasabi ko sarili ko “sobrang swerte ko dahil siya ang naging ama ko”. Bakit? Dahil sa kanya, natuto akong humarap sa hamon ng buhay magisa. Sobra akong naging maparaan sa lahat ng bagay na gawin ko. Lahat ng klase ng tao ay mabilis kong nakikibagayan.

Ang aking ama ay Grade 2 lang ang natapos. Nung nagtatrabaho siya, 50 pesos lang yung unang sinusweldo niya. Isang araw lang ang off niya at doon lang namin siya nakakasama. Isang araw na lang para makasama ko ang aking ama ay tinatakasan ko pa. At minsan, nakukuha ko pa siyang kupitan. At nirereklamo ko pa yung dalawang piso kong baon.

Kapag may umaaway sa amin ay palagi siyang handang rumesbak. Ayaw na ayaw niyang naaapi kami. Pag nalaman niya na kami ang may kasalanan, pagsasabihan niya kami at papaluin.

Natutunan ko sa tatay ko na in every action that you make there is always a certain reaction (haist). Kung anu yung ginawa mo sa iba ay babalik din sayo.

Ito, ito talaga yung pinakatumatak sa utak ko na sinabi niya. Tinanong niya ako minsan, “Bakit iba nanaman kasama mong babae? Ang mga babae dapat di sinasaktan yan.” Sobrang sapul na sapul ako dun, na halos gusto kong umiyak. Ngiti lang ang nagging reaksyon ko sa mga binitawan na yun ng aking ama.

Sobrang maalalahanin ng ama ko. Ang mga kapatid ko ay hindi niya pinabayaan. At ganun pala kalaki ng tiwala niya sa akin at alam na alam niya na kaya kong mabuhay magisa.

Hinding hindi niya nagawang magloko. Ang ina ko ang tanging babae sa buhay niya at hanggang ngayon ay pinagsisilbihan niya. Woooh idol!

Sa mga palong natamo ko, isa lang ang narealize ko, Sa bawat mali or kasalanan na nagagawa mo ay palaging may palo na babalik sayo. Yung mga reaksyon ko nung bata ako pagkatapos kong mapalo ay lahat childish reactions lang. Napakaselfish ko.

Iniahon mo ang aming pagaaral sa iyong maliit na sweldo. Nagipon ka para magkaTV tayo. magkabahay tayo, magkatricycle tayo. Salamat sa iyong pagpapagal para sa mga minamahal mo.

Aking ama, patawarin mo ako sa pagiging selfish ko nung bata ako. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil ikaw ang naging ama ko. Salamat sa paghubog ng isang @mar-anpalaboy. Walang kapantay ang yung sakripisyo na inalaay mo para sa akin, sa mga kapatid ko at higit lahat sa aking ina.

Excuse letter lang ang minaster ko nung bata ako at hindi ko talent ang pagsusulat. Ngunit, ngayong Araw ng mga Ama, iniaalay ko sayo ang aking pinakamataas na pagbati. Sayo aking Ama, Happy Father’s Day! Mahal na mahal kita (ngayon ko lang nasabi, mahiyain ako). Again, sa ama ko na di ko natalo sa dama kahit isang beses, sobrang proud ako na ikaw ang naging Ama ko.

papa.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations @mar-anpalaboy, your post has been featured at Best of PH Daily Featured Posts.
You may check the post here.

About @BestOfPH
We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.

See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.

If you want to be part of the community, join us on Discord

thank you @bestofph for featuring my message to my father. Mabuhay ang ating mga Ama! :).

Me being featured inspires me to do more. Salamat.

Nakakatuwa naman ang mga adventures mo noon, nak. Si papa mo pala ang dahilan kung makit ka nagkaganyan. (Positibong komento yan, medyo masagwa lang pakinggan). Sana ay gawin mo rin ang mga magagandang halimbawa niya sa anak mo. Medyo mahirap gayahin ang estilo niya dahil alam mong may tsansang kasuklaman ka rin ng anak mo pero alam kong kaya mo yan. :-) Happy fathers' day sa iyo at sa papa mo.

haha, ayaw ko gayahin tatay ko masyadong maraming puzzle


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

thanks team