15 Reasons Why Cardo Dalisay Married The Wrong Woman

in angprobinsiyano •  7 years ago 

15 Reasons Why Cardo Dalisay Married The Wrong Woman
Heto ang mga rason kung bakit hindi karapat-dapat si Alyana na maging asawa ng isang lalaking naka-uniporme.

  1. She is the perfect example of a damsel-in-distress. Ganda lang ang puhunan at palaging nangangailangan ng tagapagligtas.
  2. Hindi ko nakita na posibilidad na maging sila ni Cardo. She is just an annoying reporter. Sugod nang sugod `tapos kapag nalagay sa panganib, iiyak lang at magtititili.
  3. Remember that scene na tinangay siya ni Joaquin sa araw ng kasal nila ni Cardo? She was almost raped. At noong nagpapatayan sina Cardo at Joaquin sa putikan at malakas ang ulan, wala na siyang ginawa kundi ang magsisisigaw doon sa taas ng ‘Tama na!’. Nakinig ba sa kanya si Joaquin? Hindi, `di ba? E kung pinagtulungan kaya nila ni Cardo si Joaquin? E di hindi sumakit ang tainga ng viewers (o baka tainga ko lang) kakapakinig sa mga sigaw at iyak niya. #IbalikSiGlen
  4. Ayaw na niyang bumalik si Cardo sa serbisyo kasi laging napapahamak. Delikado! Wow, bakit pa siya nag-asawa ng pulis kung gano’n? Pero ipinagpatuloy niya ang pagiging reporter! `Tapos nang kamuntikan na siyang mapahamak, ano ang sabi niya kay Cardo? Kapag alam niyang delikado, iiwas na lang siya? Husay! #IbalikSiGlen
  5. Noong may pumasok na Amanda sa eksena. Dahil sa inihaw, nagkrus ang mga landas nila. Nagduda si Alyana kaya pinuntahan niya `yong ihawan. Noong akala niyang hindi naman pala kagandahan si Amanda at mukha namang hindi siya ipagpapalit ni Cardo doon, tatalikod na sana siya. Pero nang nagkamali siya at mala-beauty queen pala sa ganda si Amanda, nagwawala siya. Inakusahan niya agad si Cardo na nobya raw niya si Amanda! Kainaman naman talaga! Bastusan? Kung hindi kagandahan, imposible nang maging kabit? Hahaha. Iyon ba ang initial reaction ng babaeng matalino at hindi insecure?
  6. Noong sumabog ang mall at namatay si Ricky Boy. Hindi man lang ipinakita na sinubukan niyang ipangsanggalang ang katawan niya kay Ricky Boy. Tss. Okay. Medyo waley `yon. Hehe.
  7. Noong nakabalik na sa serbisyo si Cardo at naging miyembro ng Pulang Araw. Nang magkaengkwentro sa ospital, nakita niya si Cardo na kasama si Lena at Eman. Ano ang ginawa niya? Inisip niya agad na meron nang bagong pamilya si Cardo! Inisip din kaya niyang anak ni Cardo si Eman? Mas nakakaloka iyon. Assumera’ng palaka ang kumare mo. (Wala naman kasi sila sa Miliminas para makabuo ng baby sa loob ng 24 oras.)
  8. Patuloy siyang naging reporter pero nagkaroon ng conflict dahil nagiging biased na raw siya sa pagkampi kay Cardo at sa Pulang Araw. At nang matanggal siya sa trabaho, doon na rin siya nagsimulang mawalan ng tiwala sa ipinaglalaban ni Cardo. At bigla-bigla, boom, magkaiba na raw sila ng mundo. Hanep!
  9. Naghanap siya ng bagong trabaho. Then she met Marco na anak ng bise-presidente ng Pilipinas, gwapo, mayaman, at lalong hindi kasapi ng mga rebelde. Alyana didn’t make it to the interview. Pero nagpumilit siya dahil kailangan na kailangan daw niya ng trabaho. Bumilib si Marco sa determinasyon niya. Wow! Kung alam lang ni Marco na tinanghali lang ng gising si Alyana kaya gano’n na lang siya mamilit magpa-interview. Hindi uso ang alarm?
  10. Kahit alam na ngang delikado, nagpupumilit pa rin siyang makita si Cardo. Ang dami nang nagpapaintindi sa kanya pero wala. Gusto pa rin niyang makita. Paano kaya `yon kapag napahamak siya? Magsisisigaw uli hanggang mapaos siya?
  11. Ang mga ibinintang niya noon kay Cardo na walang basehan, siya mismo ngayon ang gumagawa. Tibay. `Di man lang siya kinilabutan. Alam ba talaga niya ang pinagdadaanan ni Cardo? O wala na siyang ibang makita kundi ang pagkukulang ni Cardo sa kanya?
  12. Hindi na raw si Cardo ang lalaking minahal niya noon! Wow, 2016 na siya pumasok sa Ang Probinsiyano na nagsimula noong 2015. Ilang beses nang napahamak at nagligtas ng buhay si Cardo noong wala pa siya. Kung meron mang may mas karapatan sabihin iyon, si Glenda Corpuz lang, wala nang iba. Siya ang nakasama ni Cardo mula umpisa. Si Glenda lang, wala nang iba. And no matter what happens, Glen will always have Cardo’s back.
  13. Noong nagpakita naman si Cardo sa kanya, saka naman siya nag-inarte. Naks, haba ng hair. Idagdag pa ang nanay niyang konsintidora. Yup, konsintidora. Hindi supportive. Ang nanay na supportive, paaalalahanin niya ang anak niya na lalong mahalin ang sarili sa panahong wala sa tabi niya ang kanyang asawa. Sabi nga ni Ninang Whitney Houston, ‘Learning to love yourself is the greatest love of all’. Isang malaking sampal sa mga babaeng isinasabuhay ang pagiging kompleto nang hindi kinakailangang magkaroon ng partner ang ginagawa niya. Ang iba sa kanila, itinuon ang atensiyon sa careeer, sa pagkalinga sa kanilang mga kadugo at hindi kadugo, at `yong iba sa kanila ay nag-ampon pa. Ni hindi nga battered housewife si Alyana. Pero wala. Ang nanay niya, sinuportahan pa siya kay Marco. Kailangan nga ba talaga ng lalaki ng isang babae para lang masabi na may nagmamahal sa kanya?
  14. At palagi niyang sinisisi si Cardo sa mga nangyayari. Parang sinasabi niya na once magkalimutan na sila ni Cardo, automatic na anulled na ang kasal nila. Wow… magic. Paano kaya siya makakapag-anull ng kasal kung sakaling tinotoo ni Cardo na kalimutan siya. #IbalikSiGlen
  15. Nag-‘I love you, too’ na siya kay Marco pero isinuot pa rin ang wedding ring nila ni Cardo na hinubad na ni Marco. Mas hanep `yon. Indeed, a wedding ring is more than a piece of jewelry. Hindi valid na reason iyong sinabi niyang nakasanayan lang daw niya. Seriously?

At marami pang iba. Siguradong marami pa akong hindi naidagdag. Kayo na lang siguro ang bahala. Hehehe. Thank you for reading! 

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

@sharlight, congratulations on making your first post! I gave you an upvote!
Please take a moment to read this post regarding commenting and spam. (tl;dr - if you spam, you will be flagged!)

Congratulations @sharlight! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Do not miss the last post from @steemitboard:

SteemitBoard - Witness Update
Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!