Huwag Kayong Makiayon Sa Takbo Ng Mundong Ito.

in appreciator •  last year 

image.png

Magandang Araw sa ating lahat.
Pagbabago. In general, ayaw natin madalas nito dahil madaming adjustment ang kailangan nating gawin. Pero aminin man natin o hindi, kailangan ng pagbabago kung gusto natin umabante sa buhay natin.

Do not be conformed to this world, but be transformed by the renewing of your mind, so that you may prove what the will of God is, that which is good and acceptable and perfect.
-Romans 12:2

image.png

Halimbawa, kung hindi natin babaguhin ang process natin sa trabaho natin, mapagiiwanan tayo. Dahil sa covid napabilis ang digitalization sa Pilipinas at sa buong mundo. Kung hindi magaadjust ang process natin sa trabaho para i-accommodate ang online and digital factors, malamang dahan dahan ng babagsak ang organisasyon na kinabibilangan natin.

Kaya sana makita natin na mahirap at masakit man ang pagbabago ay essential ito para manatiling healthy ang organisasyon na kinabibilangan natin.

image.png

Sa spritual naman natin na buhay, importante din ang pagbabago. Dahil kung walang pagbabago na mangyayari sa buhay natin, walang ebidensya na nasa buhay natin si Hesus. Tandaan natin na ang salvation o kaligtasan natin ay THROUGH FAITH IN JESUS ALONE. Pero madalas nakikita natin na tunay ang faith ng isang tao sa pagbabago na ginawa ng Panginoon sa buhay niya. Dahil imposible na walang pagbabago sa buhay ng isang tao na may faith at sumusunod sa Salita ng Diyos. Dahil ang Banal na Espiritu mismo ang gagalaw sa buhay ng isang taong may Genuine Saving Faith kay Hesus para ipattern ang buhay niya sa kung ano ang isang tunay na Kristyano.

image.png

Ang pagbabago na madalas na ma-eexperience natin ay mawawalan tayo ng apetite na gawin ang mga makasalanan at makamundong mga bagay. At papalitan natin ang direksyon ng buhay natin sa mga bagay na magbibigay papuri sa Diyos at sa mga bagay na ikabubuti ng kapwa natin, lalo na ang kaligtasan ng kapwa natin.

image.png

TUMIGIL sa pagayon sa iyong buhay ayon sa mga pattern o uso sa mundong ito. SIMULAN mong mamuhay ayon sa kalooban at layunin ng Diyos sa iyong buhay. Ito ang tanging paraan na mararanasan mo ang pinakamahusay ng Diyos para sa iyong buhay. MAGPAKUMBABA sa harap ng Diyos para mabago ka Niya sa pinakamagandang bersyon ng iyong sarili na naaayon sa Kanyang perpektong kalooban para sa iyo.

image.png

Photos are mine and taken by me using my A10s
@ San Fenando City, Philippines

Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)


me.png
image.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!