Huwag nating ipagkait sa mga kabataan na silay makapag-aral sapagkat lagi nating tandaan sila ang pag-asa ng bayan.
Ang pangalan niya ay Xyrelle Eunice,
anak ng aking nakakatandang kapatid.
Siya ay mag-aapat na taong gulang pa.
Maski sa kanyang murang edad ay mayroon siyang sigla upang mag-aral.
Siya'y magiliw at masigla , ang laging nagbibigay giliw sa aming pamilya.
Bigyang papuri si lolo't lola sa pag.aruga sa batang kwela sapagkat ang nanay ay nasa malaysia.
Saludo rin ako sa mga guro na mataas ang mga pasensya sa mga batang tulad niya.
Dahil sa pagpasok niya sa Kinder ay natuto siyang magsulat ng mga letra , maging mgtula , sumayaw at kumanta.
Kami ay natutuwa sapagkat hindi sayang ang paghatid sa paaralan dahil may natututunan.
Sapat na, na handa siyang matuto sa buhay , makahalubilo ng iba't ibang kabataan ng sa gayon ay siya'y makahanap ng kaibigan.
Dapat turuan ng magagandang asal ang mga kabataan sapagkat ito'y mabuting pamantayan para sa magandang kinabukasan.
Aanhin mo ang talino kung ang taglay na asal ay kasamaan.
Dapat kabutihan ang mananatili!
Hanggang dito nalang @steemians!
Mabuhay!
Nagmamahal,
@wittyjov24