Magandang araw mga kaibigan! isa na namang bagong rason para magdiwang ay, tayo'y buhay at humihinga pa! Nais ko lamang maibahagi ang aking obra sa patimpalak ng @tagalogtrail para sa abatar ni Toto at Jun Jun. Naatasan ang lahat na sasali para gumawa ng abatar ayon sa kanilang mga rekisito.At ito ang mga sumusunod:
Para sa aking abatar na si Toto
Isang binatang pabebe ( dahil sabi nila pabebe daw ako) na may hawak hawak na potato chips. Naka sando at shorts lang ang suot. ( *Ako po yung laging nag ko komento ng walang ka susta sustansyang mensahe sa mga post na nadadaanan ko minsan *)
Para sa abatar ni Junjun
Isang binatang hugutero na may hawak na ruler (minsan pangsukat minsan pamalo na din). Bahala na kayo sa suot ng pinsan ko. Basta lagi akong may pektus sa kaniya pag nawiwili akong mambwisit ng ibang tao sa comment box. (Madalas ni cu curate nya ay yung mga #wasakan at #hugot na tema na kwento at tula, siya din ang may hawak sa mga reports reports namin yung English) Ayoko ng patagalin pa.
Aking inspirasyon
Ako'y lubos na naniniwala na si Toto at Jun Jun ay lubos na makabayan at may malaking pagpapahalaga sa lahat ng aspeto ng Sining, kaya nama'y aking napagisipan na gamitin ang mga komposisyon ng mga kulay ng ating watawat. At sa tingin koy lubos naman itong tumugma sa "Abatar" na aking ginawa. At base sa rekisito sa taas ay aking sinunod.
Ayoko ng patagalin pa sanay magustuhan ni Toto at Jun Jun haha! Pasensya na ako'y lubos na nagagalak pag isisinisulat ang kanilang mga pangalan, eto na! Sya nga pala, makakasigurado ang tagalog trail na nasa napakamagandang resolosyun ang aking mga abatar na likha (di katulad ng iba na kumuha lng sa "internet" at pinapasa sa ibang patimpalak π€π€¨π±)
Abatar ni Toto
"Dakilang Potato Chips Eater"
(gumawa ako ng tatlong pagpipilian nito, sana'y may mapusuan sya)
Abtar ni Jun Jun
"Dakilang Tagasukat" (Mighty Ruler) haha
(sabi ni Jun Jun kami na raw bahala sa suot ng pinsan nya. Kaya't ang ginawa ko ay binihisan ko na lng din ng sando, para maganda tignan, parehas sila, parehas magaling sa kalokohan), joke! XD
Ayun! maraming salamat, eto nga pala ang patunay na original ang aking mga likha
Proseso
(Para sa abatar ni Toto)
(Para sa Abatar ni Jun Jun)
So ayun po, maraming salamat sa pag bisita, at maraming salamat sa tagalog trail para sa napakahusay na patimapalak na ito.
And you can check this awesome bloggers β
@mikaelasinsuat4
@dandalion
@qyugmo
@ishanvirtue
@ediah
@jgonzalez2134
@looserwin
@kennik
Please do support
@slothicorn
@sndbox
@surpassinggoogle
@steemgigs
@steemph
@stateofthearts
@steemitachievers
@steemitfamilyph
@artzone