Sa isang social media site, nakakasalamuha tayo ng iba't ibang uri ng tao at sa bawat taong iyong ay iba iba ang napapagdaanan. Isang gabi habang nag-iisip ako sa Bakit#2 ko na hindi ko alam kung ano ang uunahin ko sa lahat ng Bakit questions ko sa buhay ko. At bigla kong nakita sa feed ko ang isang friend ko nung high school at ito yung tanong nya sa status nya "Bakit Araw Araw Na LAng Akung Nasasaktan?, with crying emoticon".
BAKIT NGA BA?
Sa almost 26 years ko dito sa mundong to, di ko siya masisisi kung bakit nya na status yun? Kasi most of the time ganun din ako. I kept on asking myself why I am feeling hurt? Why I can't get rid of all the pain? Ang hirap hirap. Masasaktan ba ang isang tao kung walang mananakit? Or the fact that the situation is suffocating kaya nasasaktan ka na sa sobrang sikip, sa sobrang higpit?
Hindi na ako bata para di maintindihan.
Hindi na ako bata para di makinig sa lahat ng bukangbibig.
Hindi na ako isang musmos para magsawalang bahala.
At hindi na ako bata para di malaman na nasasaktan na ako ng sobra.
Alam ko hindi lang ako, hindi lang ang kaibigan at marami pa ang nakakaranas ng ganito. Yung feeling na di mo na alam kung paano maging masaya kasi ang nararamdaman mo lagi ay ang sakit na dulot ng iba't ibang dahilan. Yung feeling ng taong nakasakit sayo na wala lang na hindi ka nasasaktan kasi sa harap nya nagpipigil ka kasi alam mo sa sarili mong mahal mo siya sa kabila ng lahat ng pasakit na binigay nya sayo pero yung totoo, sakit na sakit ka na at kung pwede lng umiyak ka na ng dugo sa sakit kaso walang literal na ganun e so babalewalain mo na naman hanggang sa araw arawin nya na at di mo na kayang pahalagahan sarili mo at bibigyan ng pagkakataong maging masaya ulit sa kabila ng lahat ng sakit na dulot nya.
Tao ako, hindi bagay na itatapon mo kung di mo na kailangan.
Tao ako, hindi bagay na kukunin mo ulit pag kailangan mo na ulit.
Tao ako, hindi bagay na pagsasalitaan mo ng kahit ano at hindi masasaktan.
Dahil ang bagay kahit anong gawin mo, di yan iimik at sasaktan ka pabalik,
dahil ang bagay ay mananatiling bagay.
Hindi ako isang manhid,
Hindi ako isang bato,
Bata na kung apak-apakan mo ay di magrereklamo.
Bato na kung wawasakin mo ay mananatiling bato.
Bato na kung dudurugin mo ng paulit-ulit ay di magsasalita na nasasaktan na nang sobra,
at mananatiling bato magpakailanman.
Oo! Hindi bato ang puso ko, ang puso ng kaibigan ko at puso ng marami kaya tayo ay nakakaramdam ng sakit, sakit na ayaw natin maramdaman, sakit na gustong gusto nating kalimutan at sakit na gusto nating ibaon sa pinakamalalim na di mahuhukay ng sinoman.
MGA RASON KUNG BAKIT TAYO NASASAKTAN (REASONS YOU FEEL HURT)
Gaya nga ng sabi ko, walang masasaktan kung walang mananakit, di ba? Bakit sila nanakit? May nagawa ka bang malaking kasalanan kaya ka nila nasasaktan? Oo, lahat ng pagpapasakit ay may rason at lahat ng rason ay may kaakibat na sitwasyon maging totoo man ito o gawa gawa lamang.
1. BELIEVE. Simpleng salita pero sobrang mapanganib. Ang dali nating maniwala sa pinagsasabi ng isang tao kahit hindi natin alam kung ano ang totoo at hindi sa mga pinagsasabi nya dahil nga naniniwala tayo na di tayo sasaktan at di tayo masasaktan. Sa sobrang paniniwala mo sa kanya, di mo na kayang makinig sa mga sinasabi ng ibang tao na nakakakita kung ano ang totoo at ang tama. You keep on believing with all his lies. Remember, white lies will always be a LIE. Subukan mo kayang sabihin ito sa utak mo habang siya ay nagsasalita , " I DON'T BELIEVE YOU", maybe may magbabago di ba?
2. LOVE. Dahil nagmamahal tayo kaya tayo ay nasasaktan. Oo, pag nagmahal ka dapat handa kang masaktan kasi partner yan sila, gaya nyo partner kayo so for better and for worst, in sickness and in health dapat magkasama kayo. Oo dahil mahal na mahal mo siya, kahit masaktan ka na, maging gaga ka na, tanga at lahat lahat na, still tatanggapin at babalik ka pa rin kasi nga MAHAL MO SIYA. Magagawa mo yung mga bagay na di mo inaakalang magagawa mo. What a love!
3. EXPECTATION. Walang paasa kung walang umaasa o sadyang one-sided love, mahal mo siya pero ikaw lang nakakaalam o kasi iniisip mo na gusto ka rin nya kahit hindi naman talaga, di ba ang sakit nun? Kasi lagi tayong umaasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan, naghihintay sa nakaraan na hindi pwedeng balikan at nagmamahal sa taong hindi tayo kayang panindigan.
SOLUTION BA KAMO? (SOLUTION?)
YOU! Oo, IKAW NGA! Sarili mo lamang ang makakatulong sayo para malagpasan ang lahat ng yan. Gusto mo mawala ang sakit na nararamdaman mo di ba? Ikaw mismo ang nakakaalam ng rason kung bakit ka nasasaktan, o bakit di mo masolusyonan? Oo, madaling sabihin na huwag na isipin at mag move on na kahit di naman kayo nag break pero oo move on pa rin kaso ang hirap, sa paggising at pagtulog, nasa isip mo pa rin, move on ka pa rin nang move on na walang ginagawang aksyon. Bakit di mo subukan ang SUMAYA, humanap ng rason para ikaw ay SUMAYA, ipahinga ang utak at magliwaliw, humanap ng makakasama maging pamilya o mga tunay na kaibigan na kukunsentihin ang mga kalokohan mo at the end of the day, marerealize mo na lang na ANG GANDA NG BUHAY kaya bakit mo aaksayahin sa lahat ng sakit nang iyong nararamdaman?
"Ang saya makaramdam nang sakit, nang nasasaktan,
kasi alam mong tao ka at hindi ka bato.
Pero wag mong hayaang lamunin ka nito at
makakalimutan mo ang ganda ng buhay na
sadyang pinagkaloob sayo.
Huwag mong hintayin na dadating ang panahon
na maghahabol ka sa oras dahil dun mo pa maiisip na
time is gold at ayaw mong pagsisihan ang mga huling segundo mo sa mundo. "
Ang mga larawang ginamit ay pagmamay-ari ko maliban sa larawan ng status ng aking kaibigan na may permisong gamitin ko ito.
Disclaimer: The article, trademark, and photos appearing on this site may not be used in any advertising or publicity, or affiliation with any product or service, without the author's prior written permission.
@steem-untalented
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Kumusta @ladyjah
We have given you our still tinnie-winnie upvote!
You have been spotted by a human @ladyjah to possess rare gem!
To remove barriers: 'Everyone must have something to offer'!
#untalented abolishes the conditioning attached to IQ tests e.g smart, dull, bum and you suddenly give every human a chance to shine!
So if Bill Gates did Microsoft and i can do Macro-hard, aren't we both genius? Oh, we both are!
'We are genius!' 'We are human!'
Join the steemgigs community on discord https://discord.gg/CGuPyyT
#untalented is a branch of @steemgigs. If you would like to offer your service in building the dreams of other steemians, you can do so under #steemgigs.
However, if you want to experience full blown freedom and grow in confidence about your gifts and talents, share under #untalented.
We aim to create historical moments in the genre of touching lives and you can support us if you desire, by voting on steemgigs for witness. Simply click here https://steemit.com/~witnesses and type 'steemgigs' in the first search box.
See this URL for more info
https://steemit.com/steemit/@surpassinggoogle/steemit-s-untalented-is-in-beta-participate-freely-because-every-participant-in-this-contest-will-win-something-no-losers
Just incase you find any level or form of gifts, talents, attempts at out-of-the-boxness, or any steemian low in confidence about their abilities, worth, etc; please don't let it slip emptily by.
Kindly call on me! Simply reply to any such post and add @steem-untalented or #untalented to your reply and i will be there to upvote, acknowledge, strengthen and encourage them.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
@originalworks
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit