Image Source
Kagabi, nanalo na naman ang Meralco Bolts at nakamit ang kanilang pang-apat na panalo sa PBA Governor's Cup at pangatlong sunod-sunod na panalo. Tinalo nila ang Rain or Shine as puntos na 91-82. Sila ngayon ay may apat na panalo at anim na talo. Pangsiyam ang Meralco Bolts sa ranking at sinundan nila ang TnT Katropa na may apat rin na panalo at limang talo.
Hinirang na Player of the Game si Mike Tolomia ng Meralco Bolts kagabi na may kabuuang record na 17 puntos, 1 rebound, at 6 assists. Kasunod niya ay si Cliff Hodge na malaki din ang na itulong para mapanalo ang laban na may 14 puntos. Habang si Allen Durham, ang kanilang import, ay may record na 19 puntos, 20 rebounds, at 6 assists. At ang ibang mga manlalaro ng Meralco Bolts ay nakatulong rin tulad ni Chris Newsome na may 12 puntos, Anjo Caram na may 11 puntos, at si Reynel Hugnatan na may 10 puntos.
Image Source
Meron na lamang isang natitirang laro ang Meralco Bolts para matapos ang elimination round ng PBA Governor's Cup. At makakalaban nila ang San Miguel Beermen na naghahabol rin ng panalo para siguradong makasali sa playoffs. Kasalukuyan, ang San Miguel Beermen ay pang-anim sa ranking at may apat na panalo at apat na talo. Kaya magiging magandang laban ito para sa Meralco Bolts dahil sila ay parehong lumalaban para playoffs.
Ang huling laban ng Meralco Bolts kontra San Miguel Beermen ay gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa 3 ng Nobyembre. Kaya ating saksihan ang resulta ng laban at kung sino ang magtatagumpay para makapasok sa playoffs.